Sunday, April 27, 2014

CPP/NDF-Masbate: NDF- Masbate, mariing kinundena ang walang habas na pagyurak sa karapatan pantao ng mga Masbatenyo !

NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Apr 25): NDF- Masbate, mariing kinundena ang walang habas na pagyurak sa karapatan pantao ng mga Masbatenyo !
Logo.ndfp
NDFP Masbate Chapter
 
Mariing kinukondena ng NDF-Masbate ang walang habas na pagyurak ng mga kasapi ng AFP/PNP/Paramilitar sa karapatan pantao ng mga Masbatenyo habang todo-todong inilalarga nito ang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-BS Aquino.

Nitong Abril 22, 2014, bandang alas 8 ng gabi ay dinukot ang isang magsasaka na si Molong Carreon, 50 anyos, may-asawa’t tatlong anak at residente ng Bgry. Liong, San Fernando, Masbate. Pwersahang hinila na parang kalabaw si G. Carreon nang pinagsanib pwersang militar at pulis na nakilalang mga kasapi ng PNP Regional Public Safety Battalion at Philippine Army. Dinala sa isang madilim na bahagi ng kanilang baryo at doon ay pilit na pinaaamin si Molong na siya ay kasapi ng BHB Masbate.

Nang di ito umamin sa akusasyon sa kanya dahil sa di naman talaga siya kasapi ng BHB Masbate, at lehitimong residente ng Brgy. Liong, San Fernando, Masbate ay binugbog at sinaksak sa ibabang bahagi ng kanyang leeg na tumagos hanggang balikat. Ang mga sundalo at pulis na nagsagawa ng pagdukot, pambubogbog at tangkang pagpatay kay Molong Carreon ay nakabase sa katabing bayan ng San Jacinto, Masbate.

Samantala, noong Marso 30, 2014, isang pamangkin ng Meyor ng Cawayan, Masbate ang dumanas ng matinding pambubogbog sa kamay ng Division Reconnaissance Company ng 9th ID, Philippine Army. Habang binabaybay ni Dongdong Condor, nakatira sa Brgy. Del Carmen, Uson, Masbate ang National Highway mula Del Carmen papuntang Pob. Cawayan ng pagdating sa So. Pulang lupa, Brgy. Tuburan, Cawayan, Masbate ay pinara ito ng mga armadong grupo ng 93rd DRC, 9th IDPA.
 Dahil sa harang sa daan at pagkagulat na din ay di agad nakahinto si Dongdong na kung kaya’t ng makahinto ito ay bigla na lang siyang pinagbubogbog ng makailang beses na nagresulta ng maraming pasa sa katawan na halos dila na lang ang walang latay.

Ang katulad nitong mga insidente ay lansakang paglabag sa karapatan pantao, ganundin sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng GRP at NDFP Negotiating Panel alinsunod sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL.

Nanawagan ang NDF Masbate sa mamamayang Masbatenyo at mamamayang Pilipino na magkaisa at magtulungan upang ipagtanggol at ipaglaban ang karapatan pantao na nakasaad sa saligang batas ng gobyerno ng Pilipinas at labanan ang Oplan Bayanihan ng rehimeng US-BS Aquino.

At, para naman sa lokal na pamahalaan ng Probinsya ng Masbate na protektahan ang karapatan pantao ng mamamayang Masbatenyo at huwag hayaang abusuhin na lang ng mga sundalo’t pulis na mula sa dugo at pawis ng taong bayan ang nagpapasahod sa mga ito.

Labanan at ilantad ang kasamaan ng PNP-RSPB at 93rd DRC,9th ID!

 Biguin ang Oplan Bayanihan ng Rehimeng US-BS Aquino!

 Mamamayang Masbatenyo at Pilipino, ipagwagi ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140425_ndf-masbate-mariing-kinundena-ang-walang-habas-na-pagyurak-sa-karapatan-pantao-ng-mga-masbatenyo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.