NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Mar 21):
Intelligence officer ng militar, patay sa operasyong partisano ng NPA (Military Intelligence officer killed in an NPA partisan operation)
Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
NAPATAY ng mga Pulang mandirigma si Philippine Army Sgt. Jo Estrada sa isang ispesyal na operasyon sa palengke ng Casiguran, Sorsogon nitong Marso 20.
Si Estrada, na nagkukubli sa alyas na Joel Diño, ay nagkukunwang kontratista sa construction habang aktibo bilang ahente ng military intelligence. Nagmula siya sa 49th IB at naging kumander ng special operations team (SOT) ng naturang batalyon sa mga barangay ng Rizal, Burgos at Sta. Cruz sa Casiguran noong 2010-2011. Personal na sangkot si Estrada sa mga abuso laban sa mga residente ng naturang mga barangay na isinailalim sa SOT.
Noong Nobyembre 2012, kabilang si Estrada sa isang grupo ng mga operatibang militar na dumukot at nagtortyur sa sibilyang si Jeffrey Hapin sa Sta. Cruz, Casiguran.
Si Sgt. Estrada ay lehitimong military target ng NPA at ang pagpatay sa kanya ay pagbibigay ng rebolusyonaryong hustisya sa kanyang mga naging biktima.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140321_intelligence-officer-ng-militar-patay-sa-operasyong-partisano-ng-npa
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.