Tuesday, June 18, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Mapanganib na disimpormasyon ng Pentagon kontra-Sinovac ng China, kinundena

Ang Bayan Daily News & Analysis (in Tagalog) propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) PRWC Website (Jun 16, 2024): Mapanganib na disimpormasyon ng Pentagon kontra-Sinovac ng China, kinundena (Dangerous disinformation by the Pentagon against China's Sinovac, condemned)






June 16, 2024

Isiniwalat kamakailan sa isang espesyal na ulat ng Reuters ang sikretong kampanya na inilunsad ang militar ng US para ipalaganap sa Pilipinas ang disimpormasyong kontra sa bakunang gawang-China noong panahon ng pandemyang Covid-19. Sa pamamagitan ng pekeng mga X account (dating Twitter), nagpalaganap ito ng duda at iba pang malisyosong impormasyon laban sa Sinovac, na noo’y tanging bakuna na meron sa Pilipinas.

Ang operasyon ay nakabalangkas ng sikretong kautusan na unang inilabas noong 2019 na naging daan para sa paglulunsad ng mga kampanyang propaganda ng militar ng US. Itinaas ng naturang kautusan ang pakikipaggirian ng US sa China at Russia sa prayoridad na “aktibong kombat,” at binigyang-laya ang mga kumander na magsagawa ng psyops laban sa dalawang bansa. Inawtorisa ng Kongreso ng US ang militar nito na magsagawa ng pailalim na mga kampanyang psyops kahit sa mga bansang walang “aktibong armadong sigalot.”

Sa imbestigasyon ng Reuters, natukoy nito ang 300 X accounts na nagdala ng hashtag na #Chinaangvirus at nagpalaganap ng disimpormasyon para siraan ang bakuna at iba pang mga protective equipment na gawang-China. Mayroon libu-libong follower ang mga akawnt na ito na nag-ulit-ulit sa mga disimpormasyon na lalong nagpatindi sa pagdadalawang-isip ng maraming Pilipino na magpabakuna. Naging laganap ang sentimyentong tanggihan ang Sinovac, at “maghintay” sa mga bakunang gawang-US. Noong maagang bahagi ng 2021, umabot sa Senado ang pagdududang ito, at sa pangunguna ng senador na si Risa Hontiveros, inobliga ang tagapagmanupaktura ng Sinovac na patunayan na “ligtas at epektibo” ito habang tumatangging maglabas ng pondo para rito.

Sa panahong iyon, patakaran ng US na hindi mag-eksport ng bakuna hanggang hindi natitiyak ang bakuna ng sarili nitong mamamayan. Laganap ang vaccine hoarding ng mayayamang bansa, na nagresulta sa kasalatan ng bakuna sa maraming bahagi ng mundo. Hinarang ng US maging ang pagluluwag sa mga patent ng malalaking kumpanya sa parmasiya, na magbibigay sana ng pagkakataon sa ibang bansa na magmanupaktura ng mga bakuna at pabilisin ang produksyon ng mga ito.

Sinimulan ang kampanya ng disimpormasyon sa ilalim ng rehimen ni Donald Trump at nagpatuloy sa kasalukuyang rehimen ni Joseph Biden. Mula Pilipinas, pinalawak ang kampanya sa Central Asia at Middle East kung sadyang pinalaganap ng US ang kasingungalingang naglalaman ng “pork gelatin” ang Sinovac para tanggihan ito ng mamamayan sa rehiyon. Isinagawa ang kampanya katuwang ang kontraktor na General Dynamics IT, subsidyaryo ng General Dynamics Corporation, isang kumpanyang nagmamanupaktura ng armas.

Mariing kinundena ng mga demokratikong organisasyon sa Pilipinas at mga eksperto sa kalusugang sa US ang sikretong kampanya na walang dudang nagsapanganib sa kalusugan ng milyun-milyong Pilipino at iba pang mamamayan.

“Malinaw na pangunahing tagapaglako ang US ng disimpormasyon, sa kabila ng mga pahayag nito, at ginawa ito kahit sa panahon ng krisis pangkalusugan kung kailan maraming buhay ang nasa panganib, at nangangailangan ng totoong impormasyon kaugnay sa mga bakuna,” pahayag ng Bagong Alyansang Makabayan. “Walang pakialam ang US sa buhay ng tao, at ang habol lamang nito ay makapanlamang sa mga karibal nito. Nakasusuka ang mga iniulat ng Reuters, lalupa’t maaaring maraming buhay ang nawala dahil sa kampanyang disimpormasyon ng US.”

Kung nagagawa ito ng US sa panahon ng pandemya, ano pa ang kaya nitong gawing operasyong psyops para lumikha ng upinyong paborable dito, tanong ng Bayan.

ENGLISH TRANSLATION

Dangerous disinformation by the Pentagon against China's Sinovac, condemned

A special Reuters report recently revealed the secret campaign launched by the US military to spread disinformation in the Philippines against the Chinese-made vaccine during the Covid-19 pandemic. Through fake X accounts (formerly Twitter), it spread doubt and other malicious information against Sinovac, which was then the only vaccine available in the Philippines.

The operation was framed by a secret order first released in 2019 that paved the way for the launch of US military propaganda campaigns. The order elevated the US's confrontation with China and Russia to "active combat" priority, and freed commanders to conduct psyops against the two countries. The US Congress has authorized its military to conduct subversive psyops campaigns even in countries without "active armed conflict."

In an investigation by Reuters, it identified 300 X accounts that carried the hashtag #Chinaangvirus and spread disinformation to discredit the vaccine and other Chinese-made protective equipment. These accounts have thousands of followers who have repeated disinformation that has made many Filipinos hesitant to get vaccinated. Sentiment to reject Sinovac, and to “wait” for US-made vaccines, became widespread. In early 2021, this doubt reached the Senate, and led by senator Risa Hontiveros, the manufacturer of Sinovac was obliged to prove that it was "safe and effective" while refusing to release funds for it.

At the time, it was US policy not to export vaccine until its own citizens had been vaccinated. Vaccine hoarding by rich countries is rampant, resulting in vaccine literacy in many parts of the world. The US has even blocked the relaxation of patents by big pharmaceutical companies, which would have given other countries the opportunity to manufacture vaccines and speed up their production.

The disinformation campaign was started under the regime of Donald Trump and continued in the current regime of Joseph Biden. From the Philippines, the campaign was expanded to Central Asia and the Middle East if the US deliberately spread the rumor that Sinovac contained "pork gelatin" so that the people in the region would reject it. The campaign was carried out in partnership with contractor General Dynamics IT, a subsidiary of General Dynamics Corporation, an arms manufacturing company.

Democratic organizations in the Philippines and health experts in the US have strongly condemned the secret campaign that has undoubtedly endangered the health of millions of Filipinos and other citizens.

"It is clear that the US is the main peddler of disinformation, despite its statements, and has done so even during a health crisis when many lives are at risk, and need real information related to vaccines," the New Patriotic Alliance said. . “The US does not care about human life, and its only pursuit is to outwit its rivals. The news reported by Reuters is sickening, the earth and many lives may have been lost due to the US disinformation campaign.”

If the US can do this during a pandemic, what else can it do as a psyops operation to create an opinion favorable to it, the People asked.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/mapanganib-na-disimpormasyon-ng-pentagon-kontra-sinovac-ng-china-kinundena/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.