June 17, 2024
Pinarangalan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate (Jose Rapsing Command) ang mandirigma nitong si JR Compuesto (Ka Rio) na nabuwal sa isang depensibang labanan sa Barangay Tubog, Pio V. Corpuz, Masbate noong Hunyo 11. Limang sundalo ng umaatakeng yunit ng 2nd IB ang napaslang sa kontra-atake ng BHB-Masbate.
“Ipinanganak si Ka Rio sa baryong kanyang kinabuwalan. Sa murang edad, namulat siya sa totoong sitwasyon ng mga inaapi’t pinagsasamantalahan nang sinunog ng militar ang kanilang bahay,” pagbabahagi ni Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng yunit ng BHB sa prubinsya.
Tineyder pa lamang ay nagpasya na si Ka Rio na lisanin ang “buhay barkada” dahil nakita niya na sa armadong rebolusyon tunay na magagampanan ng kabataan ang pagiging pag-asa ng bayan.
Nagsilbi siyang upisyal sa edukasyon ng kanyang yunit na kinabilangan. “Tinitiyak niyang nabibigyan ng kumprehensibong pag-aaral ang kanyang mga kakolektiba, usapin man sa ideolohiya, pulitika at kahit sa literasiya,” dagdag ni Ka Luz.
Labis ang pagmamahal at pagkilala ng kanyang mga kababaryo at ng masang Masbatenyo kay Ka Rio, laluna ng mga kapwa kabataan. “Hindi malilimutan ng mga kasama ang tahimik, mahinahon at puno ng pag-asang si Ka Rio. Sa kabila ng kanyang bubot na karanasan sa armadong kilusan ay may mataas na diwa ng responsibilidad si Ka Rio,” ayon kay Ka Luz.
Ipinaabot ng BHB-Masbate ang kanilang pakikiramay sa pamilya, mga kaanak, kaibigan at iba pang nagmamahal kay Ka Rio. “Para sa kanyang mga magulang, dapat nating taas-noong ikarangal si Ka Rio bilang isang mabuting anak ng bayan. Hindi nasayang ang kanyang buhay bagkus, ang kanyang pag-aalay ng buhay para sa masang Masbatenyo ay ganap na katuparan ng ating mga pangarap para sa kanya. Namatay siyang bayani at lagi nating bubuhayin ang kanyang alaala bilang isang bayani,” pahayag ni Ka Luz.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/kabataang-martir-ng-bhb-masbate-pinarangalan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.