Public Information Office
CPP Southern Tagalog Regional Committee
Communist Party of the Philippines
March 20, 2024
Ramdam na ramdam ng mamamayan sa Timog Katagalugan, laluna ng mga magsasaka at mangingisda ang malubhang epekto ng El Nino. Sa kabila ng kanilang pagdurusa bingi at manhid ang rehimeng US-Marcos II na sagipin sila sa kanilang pagdurusa, sa halip ay papatsi-patseng solusyon at kakarampot na ayuda ang ibinibigay nito. Sa likod nito malayang nakakapang-api at nakakapandambong ang mga tunay na salarin sa pagbabago ng klima at pagkasira ng kalikasan na ugat ng mas papalubha at papadalas na hambalos ng kalamidad sa bansa.
Matatandaang Pebrero pa lang ng taon ay inianunsyo na ng Task Force El Niño na kabilang ang MIMAROPA, partikular ang Oriental at Occidental Mindoro at Palawan sa tatamaan ng matinding tagtuyot. Sa kasagsagan ng tagtuyot, iniulat na ang kalakhan ng lupaing natatamnan ng palay at sibuyas sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro ang sinasalanta habang apektado ang 69,000 mamamayan sa nasabing bayan. Mayroong 325 ektaryang taniman ng sibuyas at 539 ektaryang palayan ang napinsala na nagkakahalaga ng aabot sa P87 milyon. Lubos na natigang ang lupa bunga ng pagkatuyo ng mga ilog na pangunahing pinagkukunan ng tubig. Apektado ng tagtuyot ang kalidad at kantidad ng produksyon ng palay at sibuyas na tiyak na magpapahirap sa mga magsasakang pangunahing umaasa sa mga nasabing produkto. Nagkasya naman ang mga ahensya ng gubyerno sa pagbibigay ng P5,000 para sa bigas at petrolyo bilang ayuda sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot at P2,000 sa mga mamamayan sa ilalim ng Cash and Rice Distribution (CARD). Subalit sa hirap ng buhay at taas ng mga pagkain, bilihin at langis, saan aabot ang kakarampot na ayuda sa ilang buwan pang babatahing paghihirap ng mamamayan sa hagupit ng tagtuyot?
Tiyak din ang epekto ng tagtuyot sa mga taniman ng niyog, mais, tubo, gulayin at iba pang produktong bukid ng mga magsasaka sa rehiyon. Nitong Marso, sa ulat mismo ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), umabot na sa P1.23 bilyon ang halaga ng nasalantang pananim at hayop dahil sa tagtuyot, apektado ang 29,409 magsasaka sa 26,731 ektaryang lupaing agrikultural sa bansa, bagama’t tiyak na malaki pa ito sa aktwal dahil kapansin-pansing tinatakpan ng gubyerno ang tunay na lawak ng apektado ng tagtuyot. Pangalawa ang MIMAROPA sa buong bansa na may pinakamalaking napinsalang pananim na nagkakahalagang P319.7 milyon kasabay ang CALABARZON na umaabot na sa P2.75 milyon. Nakakabahala, dahil ang tagtuyot ay tinatayang aabot pa hanggang Hunyo.
Liban sa mga magsasaka ay apektado rin ang mga mangingisda sa rehiyon. Sa panahon ng El Nino, kadalasan ng mga isda ay pumupunta sa mas malalim na bahagi ng karagatan kung saan mas malamig ang temperatura kaya mas mahirap na makahuli ng isda at nangagaailangan ng dagdag na pagawa, teknolohiya, panahon at gastos sa petrolyo. Nagdudulot din ang tagtuyot ng disbalanseng ekolohikal sa mga pinagmumulan ng tubig na kadalasan ay nagbubunga ng fishkill at redtide. Apektado nito ang mga aktibidad sa pangingisda at produksyon ng isda. Dahil dito, lalong lumiit ang kita ng dati nang naghihirap na maliliit na mangingisda.
Sa kabila ng matagal nang inasahang tagtuyot na tatama sa bansa bilang isa sa mga pinakabulnerable sa mga katulad na kalamidad, sobrang kapos ang kahandaan ng reaksyunaryong gubyerno para harapin ang epekto nito sa sektor ng agrikultura. Higit nitong inilulubog sa sobrang pagdurusa ang masang magsasaka at mangingisda na dati nang pinahihirapan ng patakarang liberalisasyon at importasyon na pumapatay sa lokal na produksyon ng agrikultura.
Ibinunga ng bulok na naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal ang malubhang epekto ng tagtuyot sa mamamayan. Nagsasabwatan ang imperyalismong US, malalaking burgesyang kumprador (MBK)-panginoong maylupa (PML) sa pagsira sa kapaligiran at pagwasak ng kalikasan na dahilan ng madalas na kalamidad kapalit ng supertubo mula sa paghuthot sa yamang-likas ng bansa sa kapariwaraan ng masang Pilipino.
Papatindi ang epekto ng pagbabago ng klima sa bansa dahil sa tuluy-tuloy na pagkawasak ng kalikasan resulta ng pagkalbo ng mga kabundukan dahil sa pagtotroso, malakihang pagmimina, pagtatayo ng mga dambuhang dam at iba pang proyekto at imprastraktura. Sinira at sinisira nito ang watershed na pinakukunan ng tubig. Pangunahing salarin sa mga ito ang malalaking kumpanyang dayuhan, malalaking kumprador-panginoong maylupa.
Ayon mismo sa Forest Management Bureau, ang kagubatan ng bansa ay bumagsak sa 7 milyong ektarya na lamang na katumbas ng 23.3% sa kabuuang lupain ng bansa. Ito ay maikokonsiderang mapanganib na sa kapaligiran. Patuloy na lumiit ang kagubatan sa bansa mula 1970s dahil sa mga pagtotroso ng mismong may pahintulot ang reaksyunaryong gubyerno. Pangita ito sa probinsya ng Palawan na itinuturing na “last frontier” ng bansa. Sa harap nito, patuloy na ipinatutupad ng gubyerno ang patakaran sa pagpapahintulot sa logging, dambuhang mina at pagpaprayoridad sa pagtatayo ng mga malalaking dam at mga lugar sa ekoturismo. Halimbawa, ang patuloy na logging at konstruksyon ng dam sa Rizal at Quezon, tulad ng Wawa-Violago, Kaliwa at Macalelon dam projects na nilalabanan ng mga katutubo, magsasaka at mga grupong maka-kalikasan dahil sa hatid na panganib sa biodiversity at seguridad sa tubig sa mga kabundukan ng Sierra Madre.
Liban sa palpak at inutil na pagtugon sa pangangailangan ng masa sa panahon ng kalamidad, nakikipagsabwatan ang rehimeng Marcos II sa imperyalismong US na pangunahing mapangwasak ng kalikasan. Patunay ang mga bagong kasunduan para sa pamumuhunan ng US sa bansa. Sa Batangas, naiulat ang bagong pumasok na negosyo ng US kakutsaba ang mga MBK na sina Ramon Ang, pamilyang Lopez at iba pa sa pagpapalawak ng negosyo sa Liquefied Natural Gas (LNG). Ang US ang pinakamalaking LNG exporter sa buong mundo at ang pagkontrol sa LNG ang isa sa layunin ng US sa inilunsad nitong proxy war sa Russia gamit ang Ukraine. Ang imperyalismong US ang isa sa mga bansang pinagmumulan ng pinakamalaking carbon emissions mula sa pagsunog ng langis na panggatong. Isa ito sa pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo. Higit pa rito ang mapangwasak na pagmimina ng monopolyo kapitalismo sa mga minerals at rare earth metals, gamit sa paglikha ng mga aircraft carriers, sasakyan pangkalawakan, gamit pandigma at iba pa. Ang US at iba pang imperyalistang bansa ang salarin sa pagkasira ng kalikasan ng mga bayang kolonya, malakolonya at atrasado tulad ng Pilipinas. Sa panahon ng El Niño, kumakalat ang mainit na tubig sa ibabaw ng karagatang Pasipiko na nagdadala ng mainit na hangin sa atmospera at nagdudulot ng mainit na temperatura sa kalakhang bahagi ng arkipelago ng Pilipinas at buong Southeast Asia, dahilan sa aabot sa 80 probinsya sa bansa ang direktang apektado ng tagtuyot sa kasalukuyan.
Dapat pagkaisahin ang mamamayan na kolektibong labanan ang epekto ng tagtuyot sa pamamagitan ng sama-samang paggiit at panawagan para sa sapat na ayuda, subsidyo at serbisyo. Kasabay nito, dapat ilantad at singilin ang rehimeng Marcos sa kapabayaan, korapsyon at pagiging kontra-magsasaka nito at pangangayupapa sa interes ng mga mapandambong at mapangwasak na interes ng mga burgesyang-kumprador at dayuhang monopolyo kapitalista.
Dapat makipagpakaisa sa iba pang aping bansa ang Pilipinas sa paglaban sa katarungang pangklima (climate justice) laban sa mga imperyalistang bansa. Dapat panagutin ang imperyalismo at pandaigdigang sistemang kapitalista bilang siyang numero-unong mandarambong at maninira ng mga rekurso ng mundo, sa labis-labis na kasakiman para sa super-tubo at kawalang pakundangan sa pagyurak sa kapakanan ng mga mamamayan ng mga aping bansa. Dapat ilantad ang “green-washing” o pagpapanggap na maka-kalikasan ng mga imperyalistang institusyon at korporasyong multi-nasyunal. Dapat ilantad at labanan ang mga kontra-mamamayang proyektong tulad ng baterya, e-vehicles, solar power na nagpapanggap na maka-kalikasan pero ang nasa likod ay makapanegosyo at makapanghuthot ng supertubo at pag-agaw sa kabuhayan ng mamamayan.
Ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, demokrasya at sosyalismo ang tunay na pangmatagalang solusyon sa problema sa climate change na nagdudulot ng El Nino at iba pang katulad na sakuna. Dapat ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo na siyang ugat ng kahirapan ng bayan at patuloy na pagkasira ng kapaligiran at pagkawasak ng kalikasan. Sa tagumpay ng pambansa-demokratikong rebolusyon itatayo ng demokratikong estadong bayan at ipatutupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Kaakibat nito, ipapatupad ang mga patakaran at mekanismo na magtitiyak sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan at itataguyod ang sustenableng ekonomyang maka-kalikasan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan at may sapat na proteksyon ang mamamayan at paghahanda sa pagharap sa mga kalamidad at sakuna.###
https://philippinerevolution.nu/statements/pamunuan-ang-pakikibaka-ng-bayan-para-sa-kanilang-kapakanan-sa-harap-ng-pananalasa-ng-tagtuyot-singilin-ang-rehimeng-us-marcos-ii-sa-kapabayaan-at-pagpapahirap-sa-masang-magsasaka-at-mamamayan/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.