Sunday, March 5, 2023

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: AFP, nagwaldas ng $153 milyon para 1,000 drone

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 5, 2023): AFP, nagwaldas ng $153 milyon para 1,000 drones (AFP, squandered $153 million for 1,000 drones)
 





March 05, 2023

Kinumprima noong Marso 2 ng maka-militar na website na Max Defense na dumating sa Pilipinas noong 2022 ang nasa 100 Hermes 90 UAV, isang klase ng unmanned aerial vehicle o drone na gawa ng Elbit Systems ng Israel. Ang mga drone na ito ay bahagi ng order ng Armed Forces of the Philippines para sa 533 gayong mga sistema ng drone. Bawat sistema ay ay may dalawang drone, o kabuuang 1,066 drone. Ang buong kontrata ay nagkahalaga ng $153 milyon (₱7.650 trilyon sa palitang $1=₱50) o ₱7.65 milyon kada isa. Ipinirmi ang kontrata para rito noon pang 2019.

Ang napakamahal na mga Hermes 90 ay maliliit (natutupi sa bakpak) at may bigat na 11 kilo lamang. Ginagamit ito para sa taktikal na sarbeylans. Maari itong magkarga ng hanggang 10 kilo na payload, sumaklaw ng maksimum na 10 kilometrong radius at lumipad hanggang 75 minuto. Lumilipad ito sa bilis na 40 kilometro kada oras sa tayog na 12,000-15,000 pye. Mayroon itong kamera, FLIR (infrared) at iba pang instrumentong paniktik.

Ang Hermes 90 ay isa lamang sa mga armas na binili ng Pilipinas sa Elbit System, ang pinakamalaking kumpanyang militar ng Israel. Liban dito, bumili rin ang Pilipinas ng mga Hermes 900 at Hermes 450, mga drone na mas malalaki at mas matagal ang lipad. Noong nakaraang taon, dumating din ang 12 ATMOS 2000 155mm howitzer na gawa ng Soltam Systems, isang kumpanyang bahagi ng Elbit.

Isa ang Elbit Systems sa mga kumpanyang Israeli na target ng kilusang BDS (Boycott, Divest, Sanction) ng mamamayang Palestino at kanilang mga tagasuporta. Sa ilalim ng panawagang #StopElbit, iginigiit ng kilusang BDS ang pag-atras ng pamumuhunan at pagtigil sa pagbili ng mga estado ng mga armas ng mga kumpanya na ginagamit para sa henosidyo at apartheid ng Israel laban sa Palestine.

Ang kilusang ito ay nakabatay sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council na nagbabawal sa mga kumpanya at estado na tumangkilik o mamuhunan sa mga kumpanyang Israeli na sangkot sa henosidyo at apartheid na ipinataw ng Israel sa mamamayang Palestino.

Nitong huli, umatras na ang mga bansang Denmark at Brazil, gayundin ang ilang malalaking bangko, na bumili ng mga armas o makipagkalakalan sa kumpanyang ito. Ang Israel ang benepisyaryo ng isa sa pinakamalaking ayudang militar ng US sa buong mundo.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/afp-nagwaldas-ng-153-milyon-para-1000-drone/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.