Friday, February 10, 2023

Kalinaw News: 5 miyembro ng CTG nasawi sa engkwentro sa Masbate matataas na kalibre ng armas nasamsam

From Kalinaw News (Feb 10, 2023): 5 miyembro ng CTG nasawi sa engkwentro sa Masbate matataas na kalibre ng armas nasamsam (5 CTG members killed in encounter in Masbate, high caliber weapons seized) (By 9ID)



Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur – Ilang buhay na naman ang nasayang sa naitalang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Communist Terrorist Group (CTG) sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate nitong Huwebes, Pebrero 9 na ikinasawi ng limang miyembro ng CTG at ikinasugat ng isa pa nilang kasamahan.

Napag-alaman na nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 2nd Infantry Battalion kasunod ng impormasyon natanggap mula sa mga residente sa lugar sa umano’y presensiya ng armadong grupo nang bigla silang paputukan na nagresulta 20 minutong palitan ng putok.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng insidente ang anim na matataas na kalibre ng baril kabilang na isang AK47, limang M16 rifles at iba pang mga kagamitang pang-terorista.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay sa hanay ng gobyerno habang patuloy naman ngayon ang pagtugis sa mga nagsitakas na miyembro ng CTG.

Kaugnay ng mga naitalang engkwentro nitong pagpasok ng taon sa Bicol ay napagdesisyonan ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB) na ituon ang operasyong militar sa probinsiya ng Sorsogon at Masbate upang tuluyan ng mapuksa ang mga teroristang grupo sa nasabing mga lalawigan.

Samantala, labis naman ang pagkadismaya ni MAJOR GENERAL ADONIS BAJAO, Commander ng 9th Infantry (Spear) Division, Philippine Army at Joint Task Force Bicolandia (JTFB) dahil sa patuloy na pagsasawalang bahala ng CTG sa panawagan ng pamahalaan na sumuko at piliing makapiling ang kanilang pamilya.

“Nakakalungkot po na makatanggap ng ganitong balita, ngunit hindi naman po naming pwedeng baliwalain ang banta ng terorismo lalo pa’t ito’y nakakaapekto sa komunidad. Kaya nga po hindi tayo napapagod na manawagan sa mga CTG na sila ay sumuko na lamang, at sila’y hikayatin na makiisa sa pamahalaan nang sa gayon ay makasama niyo na rin ang inyong mga pamilya ng matiwasay at walang inaalala”, ani MGen. Bajao.

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/5-miyembro-ng-ctg-nasawi-sa-engkwentro-sa-masbate-matataas-na-kalibre-ng-armas-nasamsam/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.