Sunday, December 11, 2022

Kalinaw News: š¯—”rmas at bala ng mga rebelde, narekober ng militar sa lalawigan ng š¯—”payao

From Kalinaw News (Dec 9, 2022): š¯—”rmas at bala ng mga rebelde, narekober ng militar sa lalawigan ng š¯—”payao (Arms and ammunition of the rebels, recovered by the military in the province of Apayao (By Jonathan Blanco)



SANTIAGO CITY- Narekober ng mga kasundaluhan ang ilang gamit pandigma na pagmamay-ari ng mga kasapi ng Komiteng Larangang Guerilla North Abra matapos ang engkwentro sa bayan ng Kabugao, Apayao nitong ika-anim ng Disyembre taong kasalukuyan.

Nasamsam ng tropa ng 102nd Infantry Battalion partikular sa barangay Maragat ang isang M16 rifle, sampung pirasong 5.56 mm na bala, short magazine, poncho at mga subersibong dokumento.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang hot pursuit operations ng militar sa mga tumakas na nakalabang rebelde at ng mahikayat rin ang mga ito na magbalik-loob sa gobyerno.

Samantala, naglabas na ng kautusan si Apayao Governor Elias Bulut na bibigyan ng reward ang sinumang makakahuli o makakapatay sa miyembro o lider ng teroristang grupo.

Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/%f0%9d%97%94rmas-at-bala-ng-mga-rebelde-narekober-ng-militar-sa-lalawigan-ng-%f0%9d%97%94payao/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.