Sunday, December 11, 2022

Kalinaw News: 2 biktima ng ‘panlilinlang’ ng komunistang terorista, nagbalik-loob sa Sarangani Province

From Kalinaw News (Dec 7, 2022): 2 biktima ng ‘panlilinlang’ ng komunistang terorista, nagbalik-loob sa Sarangani Province (2 victims of the communist terrorist's 'trick', converted in Sarangani Province)



CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang mga dating combatants ng communist terrorist group, kabilang na ang isang menor de edad sa bayan ng Maitum, Sarangani Province.

Si alyas Mark na edad 20-anyos ay miyembro ng Squad Segunda ng guerilla front Musa sa ilalim ng Far South Mindanao Region Command kasama din nitong sumuko si alyas Bunso na edad 17-anyos at kasapi ng Platoon Dabu- Dabu, West daguma front, South Regional Command sa ilalim ng humihina at papawasak na FSMRC.

Sumuko ang mga ito sa pamunuan ng 34th Infantry (Reliable) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Rey Rico at 38th Infantry (We Clear) Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Michael Angelo Candole, hapon nitong ika-5 ng Disyembre, 2022.

Bitbit din nila sa kanilang pagsuko ang dalawang mga matataas na uri ng baril na kinabibilangan ng isang M16 A1 Rifle at isang Cal.30 Garand Rifle kasama na ang mga magasin at mga bala.

Ayon kay 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade, Commander, Brigadier General Pedro Balisi Jr., na ang pagbabalik-loob ng dalawa ay indikasyon lamang na unti-unting nananaig ang kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao. “The security landscape in the area is changing and we are able to sustain the momentum”, wika pa ni BGen. Balisi Jr.

Ang dalawang mga dating combatants ay iprenisinta sa Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC) sa bayan ng Maitum sa pangunguna ni Hon. Alexander Bryan Reganit, ang alkalde ng munisipyo ng Maitum.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Major General Roy Galido, ang Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division ang seguridad ng mga sumukong rebelde. “Our troops from the Joint Task Force Central continue to bolster our civil-military cooperation efforts with partner stakeholders to put an end to terrorism in Central and South-Central Mindanao and to convince the remaining terrorists to end their armed struggle and return to the mainstream society. Alam kung biktima lamang sila ng misinformation at deception”, pahayag pa ni Maj. Gen. Galido.

Tinataya sa 122 na ang mga sumukong communist terrorist group mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan. Abot naman sa 135 na iba’t-ibang uri ng baril at mga pampasabog ang nasabat buhat sa iba’t-ibang mga operating units ng Joint Task Force Central mula sa mga rebeldeng komunista.




Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.

https://www.kalinawnews.com/2-biktima-ng-panlilinlang-ng-komunistang-terorista-nagbalik-loob-sa-sarangani-province/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.