From Kalinaw News (Dec 8, 2022): 500 ka tao tumanggap ng maagang Pamasko mula sa Task Force ELCAC sa Surigao del Sur (500 people received early Christmas from Task Force ELCAC in Surigao del Sur) (By Jonathan Blanco)
CARMEN, Surigao del Sur- 500 katao pinagkaisa sa kapayapaan at nabigyan ng maagang regalo sa Peace Building Information Drive (Pamaskong Handog 2022) ng Task Force-ELCAC sa Covered Court, Brgy Hinapoyan, Carmen, Surigao del Sur sa ika-6 ng Disyembre 2022.
Matatandaan na mula sa naturang barangay sa Sitio Gacub ang limang hinukay na pinaslang ng Terroristang Grupong CPP-NPA (CTG) noong ika-30 ng Oktubre ngayong taon. Naglaan ang Lokal na Gobyerno ng Carmen, SDS, 901st Infantry “Fight Em’” Brigade, 36th Infantry “Valor” Battalion, Provincial Police Office SDS, Philippine Red Cross SDS Chapter, Provincial Social Welfare and Development Office, Carrac-an Eagles Club, at IPMR Carmen na ibahagi ang Dokumentaryo ng iDocu Team ni John Paul Seniel na may pamagat na “Hinagpis ng 5 Byuda sa Hinapoyan” sa mamayanan ng barangay kasama ang 3 sityo ng Gacub, Tabinas, at Bayabas, Carmen.
Sa naturang dokumentaryo nilahad ang mga pangyayari sa mga pinatay na maglalapnisan at hinilom ang mga panawagan ng mga naiwang kapamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng maagang pamasko sa mga Taga-Carmen. Hinimok ni Carmen Mayor Jane V. Plaza sa naturang aktibidad na mamulat ang lahat sa totoong gawain at pakay ng makakaliwang grupo sa mga Carmenanon at ipinahayag ang pakikiisa sa kapayapaan at siguridad ng Indigenous Peoples Community. Sa pakikiisa ng mga IPMR at Tribal Chieftain ng Hinapoyan ay winaksi nila ang CPP-NPA-NDF sa kanilang tribu at kinondena ang mga abuso, pagpatay, at pangrrecruit ng mga terrorista sa kanilang komunidad.
Nilayon ng Peace Building Information Drive ang pagkakaayos, pagunlad, at panibagong pag-asa sa mga taga-Hinapoyan upang hindi na maulit ang trahedya na nangyari sa naturang bayan mula sa karahasan at kalupitan ng komunistang grupo.
Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
https://www.kalinawnews.com/500-ka-tao-tumanggap-ng-maagang-pamasko-mula-sa-task-force-elcac-sa-surigao-del-sur/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.