Friday, April 1, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Pilipinas, pang-apat sa pinakatalamak ang kroniyismo sa mundo

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 31, 2022): Pilipinas, pang-apat sa pinakatalamak ang kroniyismo sa mundo (Philippines, the fourth worst cronyism in the world)




March 31, 2022

Pang-apat ang Pilipinas sa 22 bansang talamak ang kroniyismo, ayon sa The Economist, isang organisasyong midya na nakabase sa United Kingdom.

Ang kroniyismo, sa simpleng salita, ay isang kaayusan sa ekonomya kung saan lihim na nakikipagkasundo ang mga negosyante sa mga upisyal ng estado para makakuha ng mga pakinabang tulad ng mga espesyal na permit, insentiba tulad ng di pagbabayad ng buwis at mga pagbabago sa patakaran kapalit ng suhol at mga pabor. Sa ilalim ng kaayusang ito, iginagawad din ng mga upisyal na gubyerno ang mga pampublikong kontrata — madalas sa maanomalyang paraan — kung saan naghahati ang dalawang panig sa pakinabang.

Sa panig ng The Economist, sinusukat nito ang tindi ng kroniyismo sa pamamagitan ng pagsuri sa yaman ng mga bilyunaryo at kaugnayan nito sa mga “sektor ng kroniyismo” o mga “industriyang bulnerable sa rent-seeking” o manipulasyon ng pampublikong patakaran para sa pribadong kita dahil “malapit” ang mga ito sa estado (sa anyo ng regulasyon, insentiba, pampubikong kontrata at iba pa). Kabilang dito ang pagpapatakbo ng mga kasino, pagmimina ng karbon, komersyal na mga plantasyon, depensa, pagbabangko, imprastruktura, pagmimina ng langis, daungan at paliparan, real estate at konstruksyon, at yutilidad at telekomunikasyon.

Sa pagsusuri ng The Economist, 4/5 o 80% ng yaman ng mga Pilipinong bilyunaryo ay mula sa mga “sektor ng kroniyismo.” Gayundin, ang yaman ng mga bilyunaryong ito ang bumubuo sa 10% ng gross domestic product ng bansa — patunay ng laki ng pakinabang nila sa sistema ng kroniyismo.

Mula nang unang maglabas ang The Economist ng sarbey ng kroniyismo noong 2014, palagiang nasa unang limang pinakatalamak ang Pilipinas. Noong 2016 at muli noong 2021, pangatlo ito sa listahan, kasunod ng Russia at Malaysia. Ibig sabihin, tuluy-tuloy na kumakamal ng yaman ang iilang pinaboran ni Rodrigo Duterte na mga burgesya-kumprador. Ilang sa kilalang kroni ni Duterte sina Dennis Uy at Enrique Razon na nasa negosyo ng kasino at mga daungan, ang pamilyang Villar na nasa real estate, at si Ramon Ang na nasa pagmimina ng karbon at imprastruktura.

Nitong taon, kasunod ang Pilipinas sa Russia (#1), Malaysia (#2) at Singapore (#3). Ang iba pang nasa Top 10 ang Ukraine, Mexico, India, Thailand at China.

https://cpp.ph/angbayan/pilipinas-pang-apat-sa-pinakatalamak-ang-kroniyismo-sa-mundo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.