Wednesday, October 6, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Sa pagsasama-sama, malalabanan ang gutom sa pandemya

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 6, 2021): Sa pagsasama-sama, malalabanan ang gutom sa pandemya


ANG BAYAN | OCTOBER 06, 2021



(Ang sumusunod ay hango sa isang akdang inilathala sa Tilamsik, pangkulturang lathalain ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan-Camarines Norte, sa isyung Hulyo 2021.)

Ipinakita ng karanasan sa isang baryo sa Camarines Norte ang kakayahan ng mamamayan na labanan ang kagutuman na hatid ng pandemya basta’t sama-sama at nagtutulungan.

Noong nakaraang taon, nagbuklod ang mga residente ng isang baryo sa prubinsya para labanan ang kagutumang inasahan nang ibubunga ng pagpataw ng rehimen ng militaristang lockdown. Gumawa sila ng mga palayan, gulayan, kaingin at palaisdaan para sa kanilang mga pamilya. Nilayon nilang paunlarin ang kanilang mga sakahan para punan ang noo’y nagbabadyang kakulangan sa pagkain at iwasan ang todong pagsalig sa pagbili ng pangkonsumong pagkain.

Para mabilis na maisagawa ang pagtatanim, naghati-hati sa tatlong grupong tulungan ang 34 pamilya sa baryo. Sa loob ng isang linggo ay naipunla nila ang 1,000 halamang sitaw, 500 okra at 100 ampalaya. Naipunla nila ang dalawang kilo ng mais, tatlong kilo ng trigo at batal. Nakapaghasik sila ng tatlong kaban ng palay sa kaingin.

Mabilis nilang nagawa ang limang pitak na palaisdaan at nalagyan ng 500 semilya ng tilapya. Naitayo rin nila ang silungan ng mga manok na kanilang alaga. Pinlano nilang dagdagan ang mga ito ng alagang itik.

Kinwenta ng mga nagtulungan ang pang araw-araw nilang konsumong bigas. Sa kanilang taya, kukulangin ang maaani nila sa hasik na palay lampas sa isang siklo ng anihan. Sa gayon, kailangan nilang maghanda ng pagkain hanggang sa susunod na pagkaingin at anihan.

Sabi pa ng pinakamatanda sa grupo, “malaking hamon sa amin na madagdagan pa ang tanim na palay para maging sapat ang aming bigas sa buong taon.” Tiwala siyang kaya nilang punan ang kakulangan ng pagkain kahit walang kapital sa pamamagitan ng pagkakaisa at mahigpit na pagtutulungan.

Plano ng mga grupong tulungan na abutin ang sapat na pagkain ng bawat pamilya. Kapag naabot na ito, handa silang maglabas ng mga prudukto sa kalapit nilang mga lugar.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/%ef%bb%bfsa-pagsasama-sama-malalabanan-ang-gutom-sa-pandemya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.