Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 6, 2021): Apo ni Marcos, binaha ng batikos ng mga kabataang Cordillera
ANG BAYAN | OCTOBER 06, 2021
Sabay-sabay na nagpahayag ng mga mensahe ng pagkamuhi at pagbatikos ang mga dumalong estudyante sa isang online na porum sa Cordillera laban sa pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos. Ito ay isinagawa sa webinar o online seminar na inisponsor ng Commission on Higher Education – Cordillera (CHED-CAR) noong Oktubre 5 kung saan panauhin ang apo ni Marcos na si Sandro Marcos. Ayon sa mga estudyante, protesta nila ito sa pambabaluktot ng mga Marcos sa malagim na karanasahan ng mamamayan sa ilalim ng batas militar.
Ang porma ng protestang ito ay katulad sa tinatawag na “Zoombombing” o ang pagbabato ng mga komento para guluhin o pigilan ang pagsasalita o presentasyon ng isang tao o grupo. Tinarget ng mga kabataan ang bidyo ng nagtatalumpating Marcos na pinamagatang “redefining the role of youth in nation-building” (pagbabago sa papel ng kabataan sa pagtatayo ng bansa). Habang pinalalabas ang bidyo, sabay-sabay na nagpalit ng kanilang pangalan sa Zoom ang mga dumalo tungong #NeverAgain, #MarcosMagnanakaw, “Marcos Diktador”, at sa pangalan ng iba pang mga biktima ng paglabag ng karapatang-tao sa panahon ng batas militar.
Pansamantalang sinuspinde ng CHED-CAR ang porum dahil dito. Nag-anunsyo kamakailan si Sandro na tatakbo siya bilang kongresista sa unang distrito ng Ilocos Norte para sa 2022. Si Sandro ay anak ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Samantala, nag-trending ang #NeverAgain sa Twitter matapos magdeklara si Bongbong Marcos na tatakbo siya sa pagkapresidente sa susunod na taon.
https://cpp.ph/angbayan/apo-ni-marcos-binaha-ng-batikos-ng-mga-kabataang-cordillera/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.