Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 6, 2021): Sa World Teachers’ Day, mga guro nagprotesta
ANG BAYAN | OCTOBER 06, 2021
Higit isandaang mga guro at edukador ang nagprotesta sa Mendiola Bridge sa Maynila bilang paggunita sa World Teachers’ Day (Pandaigdigang Araw ng mga Guro) kahapon. Sigaw ng mga gurong nagkakaisa sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang limang puntong kahingian para sa pagpapaunlad ng kalunus-lunos na kalagayan ng sektor sa ilalim ng rehimeng Duterte. Pinalubha pa ito ng kasalukuyang umiiral na ‘blended learning’ at kakulangan sa suporta ng Department of Education.
Pangunahing panawagan ng mga guro ang umento sa sahod. Noong Enero 2020, pinirmahan ni Duterte ang batas na nagdagdag ng karampot na ₱1,500, malayo sa halos dobleng (₱15,0000) dagdag sa sahod na ibinigay sa mga sundalo at pulis. Malayo rin ito sa ipinangako ni Duterte na umentong ₱10,000. Nasa 900,000 ang mga pampublikong guro sa buong bansa.
Ayon kay Raymond Basilio, pangkalahatang kalihim ng ACT, nananatiling sobra sa trabaho, kulang sa bayad at suporta ang mga guro sa ilalim ni Duterte. “Kaya muli kaming natutulak na kumilos at gamitin ang kolektibong lakas para isulong ang interes ng sektor,” aniya.
Dagdag na panawagan ng mga guro ang pagbibigay ng nararapat na service credit at bayad sa obertaym, laptop at ₱1,500 buwanang alawans sa internet para sa guro at gadyet at ₱10,000 ayuda para sa mga mag-aaral, ₱3,000 Inflation Adjustment Allowance at ₱10,000 tax-free election service honorarium. Noong Hunyo, pinangakuan ng DepEd ang mga guro na babayaran ang 87 sobrang araw ng pagtatrabaho, pero napag-alaman noong Setyembre na walang hininging badyet ang kagawaran para rito. Dahil dito, tinawag ni Rep. France Castro si DepEd Sec. Leonor Briones na “manloloko” sa pagdinig sa badyet ng kagawaran sa Kongreso noong nakaraang buwan.
Naglunsad rin ng mga piket protesta sa kani-kanilang mga paaralan ang mga unyon sa ilalim ng ACT. Kabilang dito ang ilang mga guro sa Davao, Cebu, Manila, Quezon City at iba pang prubinsya. Nagsabit naman ng mga balatengga at tarpolin ang ibang mga guro sa kanilang paaralan. Nagpaabot ng pagbati sa mga guro ang mga grupong kabataan sa pangunguna ng Kabataang Partylist at nagpahayag ng pakikiisa sa kanilang makatarungang mga panawagan.
[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]
https://cpp.ph/angbayan/sa-world-teachers-day-mga-guro-nagprotesta/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.