Tuesday, October 5, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Lupa, di pabahay, ang kailangan ng mga magsasaka

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 5, 2021): Lupa, di pabahay, ang kailangan ng mga magsasaka


ANG BAYAN | OCTOBER 05, 2021

“Real estate o agrarian ba ang trabaho ng DAR (Department of Agrarian Reform)?” ang tanong ng isang magsasakang inagawan ng pamilyang Villar ng lupa para  tayuan ng low-cost housing sa Bulacan. Ito ay matapos ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng mga bahay sa 600,000 magsasaka noong Setyembre 26.

Sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong Oktubre 4, sinabi nitong dapat unahin ng DAR ang pamamahagi ng lupa sa mga marami pang magsasakang walang lupa at pagresolba sa mga usapin sa lupa. Anito, hindi ang pagtatayo ng pabahay ang pangunahing mandato at dapat atupagin ngayon ng DAR. “Napakarami pang dapat gawin ng DAR para makuha ang malalawak na lupaing pribado at maisailalim sa reporma sa lupa. Kung para ito sa mga ARBs, bakit hindi na lang libre at may bayad?”

Nakatakdang bayaran ang naturang mga bahay   na P1,475 kada buwan sa loob ng 30 taon. Tulad ng ibang ari-arian, mareremata ang bahay kapag hindi nabayaran. Ang pabahay ay nakapailaim sa   BALAI o Building Adequate Livable, Affordable and Inclusive Farmers’ Housing Program ay proyekto ng DAR kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DSHUD). May mga nakatayo nang kabahayan sa Umingan, Pangasinan; Bayombong, Nueva Vizcaya; Gabaldon or San Jose City, Nueva Ecija; Basey, Samar; Argao, Cebu; Daet, Camarines Norte and Calinan, Davao.

“Kung lupa ang ipamamahagi ng DAR, pwede naman kaming magtayo ng kubo. Lupang taniman ang hinihingi ng mga magsasaka para tuloy-tuloy na magkararoon ng kabuhayan ang mga magbubukid,” ayon kay Gemma, isang magsaka sa Bulacan.

Ayon pa sa lider ng KMP na si Danilo Ramos, “gusto natin ng serbisyo at pag-alwan ng buhay ng ating mga Agrarian Reform Beneficiaries pero nagkakaroon kami ng agam-agam sa proyektong ito ng DAR. Una, karaniwan sa mga housing projects ng gobyerno ay may ‘tongpats’ o overpricing. Ikalawa, may interes sa pulitika si Secretary John Castriciones na napapabalitang tatakbo sa pagka-Senador.”

Imbes na pabahay, dapat unahin ng DAR ang pag-sasaayos sa libu-libong agrarian disputes o sigalot sa bansa, aniya.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. t other corners of the world. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/lupa-di-pabahay-ang-kailangan-ng-mga-magsasaka/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.