Tuesday, October 19, 2021

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Lider-kabataan sa Bicol, nakalaya na

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 19, 2021): Lider-kabataan sa Bicol, nakalaya na






Matapos ang limang buwan, dalawang linggo at dalawang araw na detensyon sa gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives, nakalaya na kahapon ang kabataang aktibistang si Sasah Sta. Rosa, tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan. Ibinasura ng korte ang gawa-gawang kasong isinampa sa kanya.

Inaresto si Sta. Rosa noong Mayo 2 sa kanyang bahay sa Naga City, Camarines Sur sa isang koordinadong crackdown sa mga aktibista sa rehiyong Bicol. Alas-3 ng madaling araw nang nireyd ang kanyang bahay at ayon sa pamilya, 40 minutong naghalughog ang mga elemento ng Philippine National Police-Naga City at pagkatapos ay pinalitaw ang isang bag na may lamang mga baril, granada, at pulang bandera.

Kasabay ng pag-aresto kay Sta. Rosa, inaresto rin noon si Pastor Dan Balucio, tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Bicol sa Barangay San Isidro, Sto Domingo, Albay. Nakalaya na si Balucio noong Agosto.

Sa panahong nakakulong si Sta. Rosa, iba’t ibang organisasyon ng mga kabataan at tagapagtanggol ng karapatang tao ang nanawagan ng kanyang kagyat na pagpapalaya. Kabilang na dito ang mga kamag-aral niya sa Ateneo de Naga sa pamumuno ng One Big Fight for Human Rights and Democracy.

Kasabay ng paglaya ni Sta. Rosa, mahigpit din ang panawagan ng Anakabyan Naga City na tigilan na ng rehimeng Duterte ang iligal na pag-aresto sa mga aktibista at pagreyd sa mga upisina ng mga progresibong grupo.

[In the face of the rapidly changing political and economic situation in the Philippines, as well as around the world, the newspaper Ang Bayan publishes daily news and analysis on key issues facing the proletariat and the Filipino people, as well as the oppressed people among others. Here you will find the latest news and articles of Ang Bayan.]

https://cpp.ph/angbayan/lider-kabataan-sa-bicol-nakalaya-na/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.