From the Philippine Information Agency (Sep 1, 2021): Mataas na kalibre ng baril, granada at bala ng mortar ng CTG, boluntaryong isinuko sa magkahiwalay na operasyon sa San Mariano, Isabela (By 98th Infantry Battalion)
CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela - - Sa magkahiwalay na operasyon ng mga kasundaluhan ng 98th Infantry (MASINAG) Battalion sa Barangay Disulap, San Mariano, Isabela ay matagumpay na narekober ang limang pirasong granada at isang bala ng 60mm mortar.
Boluntaryong sumuko rin ang isang miyembro ng Yunit Milisyang Bayan kasabay nito ang pagturo ng kinaroroonan ng nakatagong mataas na kalibre ng baril isang M653 Rifle nito lamang ika-30 ng Agusto taong kasalukuyan sa Sitio Diwagden, Barangay Disulap, sa parehong bayan na nasa kustodiya ni Alyas Roderick, 65 taong gulang, na ilang taon na ring naging tagasuporta ng mga Komunistang Teroristang Grupo sa nasabing bayan.
Ayon kay Alyas Roderick, ang nasabing mga granada at bala ay pinatago umano ng mga Komunistang Teroristang Grupo taong 2019 upang gamitin laban sa mga kasundaluhan na papasok sa kanilang lugar at gawing primary compenent para sa pag gawa ng Improvised Explosive Device o IED kapag papasok ang mga tropa ng militar o kapulisan.
Ngunit dahil sa takot at pangamba, naisipan niyang isuko na lamang ito sa mga kasundaluhan at tuluyan ng magbalik-loob sa pamahalaan dahil wala namang naidudulot na maganda ang pagsuporta nito sa kabilang grupo.
“Bilang isang mamamayan, gampanin ko ang pangalagaan ang kapakanan ng aking mga ka-barangay, kaya’t ito na ang pinakamagandang magagawa ko, ang tumalikod at itigil na ang pagsuporta sa armadong grupo at tuluyan nang magbalik-loob sa pamahalaan” aniya.
Sa kabilang dako naman, sa pamamagitan ng puspusan at patuloy na pagpapatupad ng EO #70 o End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng mga kasundaluhan ng 98th Infantry (Masinag) Battalion, 95th Infantry (Salaknib) Battalion, 52nd MICO, kasama ang PNP San Mariano ay nagresulta sa matagumpay na pagtalikod at boluntaryong pagbabalik - loob ng isang armadong miyembro ng Yunit Milisya na si Alyas FED, 26 taong gulang sa Sitio Nursery, Barangay Disulap, San Mariano Isabela noong ika-31 ng Agosto taong kasalukuyan sa pamunuan ng 98th Infantry (MASINAG) Battalion.
Dahil sa salaysay at impormasyon na ibinigay ni Alyas FED kasama ang dating kasamahan na sumuko na si @JIM, sa araw ding iyon ay natuntun ng mga kasundaluhan ng 98th IB ang kinaroroonan at pinagbaunan ng isang mataas na kalibre ng baril (M653 Rifle) na may serial number na 167837.
Ayon sa dating taga suporta at sa sumukong miyembro ng Yunit Milisya ng Komunistang Teroristang Grupo ay lubos ang kanilang pagsisisi sa kanilang ginawang pagsuporta at pag-anib sapagkat wala itong naidudulot na maganda lalo na sa kanilang pamumuhay bagkos nagdulot lamang ito ng matinding bagabag at suliranin sa kanila, kaya nagpasya silang magbalik loob sa pamahalaan dahil gusto na nilang mamuhay ng tahimik at payapa kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Samantala, ikinagalak at pinuri naman ni Lieutenant Colonel Abraham M Gallangi JR INF (GSC) PA, commanding officer ng 98th IB ang naging desisyon ng dating tagasuporta at dating miyembro ng Yunit Milisya ng Teroristang Grupo sa kanilang pakikipagtulungan at tuluyang pag-iwan at pagtalikod sa armadong pakikibaka.
“Ang pagbabalik-loob ng mga nasabing miyembro sa ating pamahalaan ay isang malaking indikasyon na namulat na ang mga kababayan natin sa mga kasinungalingan, panloloko at maling ideolohiya ng mga Komunistang Teroristang Grupo at patunay na humihina na ang kanilang pwersa dahil sa sunud-sunod na pagbabalik-loob ng mga miyembro nito”.
Maliban dito, patuloy ang panawagan ng 98IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Gallangi Jr sa mga natitirang kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob na at huwag nang hayaang mawasak o masira ng maling ideolohiya ang kanilang buhay,
“Kami ay patuloy na nanawagan sa mga natitira pang kasapi ng makakaliwang grupo na huwag matakot na bumaba at yakapin ang tunay na kapayapaan sa pamamagitan ng programa ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP, laging bukas ang himpilan ng 98th IB upang kayo ay tulungang magbagong buhay kasama ang inyong mga mahal sa buhay," sinabi pa ni Lt. Col Gallangi Jr. (Ulat mula sa 98th Infantry Battalion)
https://pia.gov.ph/press-releases/2021/09/01/mataas-na-kalibre-ng-baril-granada-at-bala-ng-mortar-ng-ctg-boluntaryong-isinuko-sa-magkahiwalay-na-operasyon-sa-san-mariano-isabela
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.