Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Sep 23, 2021): Pinagkaitan ng hustisya ang pamilya ni Jobert Bercasio
SAMUEL GUERREROSPOKESPERSON
NPA-SORSOGON (CELSO MINGUEZ COMMAND)
BICOL REGIONAL OPERATIONAL COMMAND (ROMULO JALLORES COMMAND)
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 23, 2021
Kinukundena namin ang paulit-ulit na paggamit ng PNP-Sorsogon sa rebolusyonaryong kilusan bilang kumbinyenteng sangkalan sa mga kasong ayaw nilang gawan ng totohanang pagresolba. Noong Enero 21 ay buong-pagmamalaking idineklara ng PNP-Sorsogon na resolbado na ang kaso ng pagpaslang sa mamamahayag na si Jobert Bercasio at ang itinuturong salarin ay ang NPA. Hindi nakumbinsi ang reaksyunaryong piskalya sa gawa-gawang ebidensya at kwento ng pulisya kaya ibinasura nito ang kaso noong Marso 5.
Gayunman, hanggang ngayon ay ang NPA pa rin ang pilit na itinuturong salarin ng inutil na pulisya sa pangunguna ni Police Major Jeric Don P. Sadia, OIC ng PNP-Sorsogon City.
Makailang ulit nang nagpahayag ang rebolusyonaryong kilusan na wala itong kinalaman sa pagpatay kay Bercasio. Una itong inilinaw ng NDF-Bikol noong Setyembre 2020, at muli, ng NPA-Sorsogon, noong nakaraang Enero.
Hindi ito ang unang beses na ginawang sangkalan ng PNP ang NPA sa mgs kasong hindi nila nilulutas. Isa na rito ang pagpaslang kay Laurex Roy Marinda at kanyang asawa noong Enero 20, 2020. Si Laurex ay anak ng beteranong mamamahayag na si Lauren Marinda. Ibinintang ng PNP ang krimen sa NPA at idineklara itong resolbado.
Sinasabi ng PNP na protektor ito ng mamamayan. Pero sa aktwal na ginagawa nitong pagtuturo at panghuhuli ng umano’y mga salarin nang walang batayan at pagtatanim ng ebidensyang baril at granada sa mga walang sala, nagsisilbi lamang silang mga ahente ng kawalang-katarungan.
https://cpp.ph/statements/pinagkaitan-ng-hustisya-ang-pamilya-ni-jobert-bercasio/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.