Sunday, August 22, 2021

CPP/Ang Bayan: Taas-presyo ng abono, dagdag pahirap sa magsasaka

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 21, 2021): Taas-presyo ng abono, dagdag pahirap sa magsasaka



Iniulat ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) noong Agosto 12 na tumaas ang presyo ng abono nang ₱200-₱400/bag sa nakaraang dalawang buwan. Sa datos ng Department of Agriculture (DA), ang presyo ng prilled urea ay ₱1,415.99 kada bag, ₱1,393.32 sa granular urea, ₱778.79 sa ammosul at ₱1,268.19 sa complete. Halos doble ang mga ito kung ikukumpara sa presyo noong nakaraang taon.

Ginagamitan ng abono ang halos 85% ng mga palayan at kalahati ng mga gulayan sa bansa. Giit ng mga magsasaka na dapat imbestigahan ng DA ang pagtaas ng mga presyo at huwag itodo ang pag-aangkat ng imported at mamahaling abono. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng abono, tumaas rin ang presyo ng petrolyo at mga pestisidyo.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/08/21/taas-presyo-ng-abono-dagdag-pahirap-sa-magsasaka/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.