Sunday, August 22, 2021

CPP/Ang Bayan: Lider-Mangyan, pinaslang ng militar

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 21, 2021): Lider-Mangyan, pinaslang ng militar



Tatlong magsasaka ang pinatay at pito ang inaresto ng mga armadong ahente ng estado sa nakaraang mga linggo.

Sa Occidental Mindoro, pinaslang ng 203rd IB ang dating lider-katutubong si Baduy de la Cruz sa Sityo Cawit, Barangay Gapasan noong Hulyo 29. Dati na siyang minamanmanan ng militar at pilit na “pinasusurender.”

Sa Northern Samar, pinaslang ng 20th IB si Nilo Ogatcho, kapitan ng Barangay Victor, Las Navas noong Agosto 19. Ayon sa lokal na yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), ganti ito ng militar sa pagkamatay ng isang sundalo sa opensiba noong Hulyo 9 sa parehong barangay.

Pinatay naman ng mga elemento ng 63rd IB si Juddy Ragawdaw, dating aktibong myembro ng organisasyong magsasaka noong unang linggo ng Hunyo sa Barangay Loog, Basey, Western Samar.

Iligal na pag-aresto. Dinakip ng 203rd Brigade at pulisya ang isang magsasakang ipinakilalang “Ernesto Panganiban” sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Agosto 6. Dinakip siya ng mga sundalo at pulis para makubra ang ₱4.5-milyong pabuya sa katauhan ng inimbentong pangalan.

Sa Sibale, Romblon, apat na mangingisdang sumusukob upang makaiwas sa bagyo noong Hunyo 2 ang iligal na dinakip ng mga pulis at pilit na pinasurender bilang mga myembro ng BHB. Sinampahan ng gawa-gawang kasong illegal possession of firearms and explosives sina Nolan Ramos, Benny Hilamon, Marlon Angelo Torres at Ma. Teresa Dioquino.

Dinakip naman ng 62nd IB at 94th IB sina George Francis at Edwardo Mission, mga residente ng Guihulngan City, Negros Oriental noong Agosto 3. Hindi pa inililitaw si Francis habang idinetine si Mission sa istasyon ng pulis sa Binalbagan, Negros Occidental. Noong Agosto 3, walang-habas na inistraping ng 94th IB ang mga bahay ng pamilyang Ponsiano at Enriquez sa Sityo Tibak, Barangay Santol, Binalbagan.

Sa Masbate, inaresto ang barangay kagawad na sina Virginia Esperanza Cabiles, Jinky Esperanza Villadolid at Dee Madrilejo sa Barangay Talisay, San Fernando noong Agosto 12 matapos akusahang may kaugnayan sa rebolusyonaryong kilusan. Nakatakas si Madrilejo ngunit nahuli sa Masbate City.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/08/21/lider-mangyan-pinaslang-ng-militar/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.