From Kalinaw News (Jun 23, 2021): Most Wanted sa Probinsya ng Biliran Boluntaryong Sumuko sa RCSP Team
Himpilan ng 14th Infantry (Avenger) Battalion, Brgy. Uguis, Mahaplag, Leyte – Boluntaryong sumuko ang ika-apat sa mga pinaka most wanted person sa probinsya ng Biliran sa tropa ng 14IB na nagsasagawa ng Retooled Community Support Program o RCSP sa Brgy. Maligaya, Mahaplag, Leyte noong ika-21 ng Hunyo 2021.Si Antonio Munsolod Pabro, 45-taong gulang, may asawa at residente ng Sitio Buga, Brgy. Maligaya, Mahaplag, Leyte, may kaso ng apat na paulit-ulit na panggagahasa sa anak na babae ng kanyang dating kinakasama ay personal na humarap at sumuko sa RCSP Team ng 14th Infantry (Avenger) Battalion. Malaya nyang inamin ang kanyang nagawang kasalanan at isinalaysay na siya ay nagtago sa Sityo Buga ng nasabing barangay mula noong 2019 hanggang sa kasalukuyang taon.
Ayon kay Ginoong Pabro, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumuko matapos nyang mabalitaan na ang mga sumukong supporters at miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) ng CPP-NPA-NDF ay trinato ng maayos na naaayon sa batas at binigyan ng pagkakataong magbagong buhay. Dagdag pa niya, napawi ang kanyang pangamba at nabuo ang kanyang tiwala sa mga kasundaluhan dahilan upang siya ay sumuko.
Sa tulong ng Barangay Task Force ELCAC ng Brgy. Maligaya, si Ginoong Prado ay pormal na na i-turn over sa hanay ng Kapulisan ng Municipal Police Station ng Naval, Biliran sa pamumuno ng Hepe nito na si Police Major Michael John Astorga, kasama ang mga elemento ng Municipal Police Station ng Mahaplag, Leyte sa pamumuno ni Police Captain Rodolfo C Renomeron at ng Crime Investigation and Detection Group (CIDG) sa pamumuno naman ni Police Major Glenn M Aculana para sa maayos na disposition at proseso ng kaso nito.
Ang 14th Infantry (Avenger) Battalion ay patuloy na maglilingkod sa mga Leyteňo na may disiplina at bilang propesyunal na kawal Pilipino. Handang maglingkod ang mga miyembro nito maging ito ay para wakasan ang terorismo o ito man ay pagsuporta sa pagpapatupad sa batas at sugpuin ang kriminalidad sa nasasakupan nito na naaayon sa paggalang sa Karapatang Pantao.
Ayon kay Brigadier General Zosimo A. Oliveros, Brigade Commander ng 802nd Infantry (Peerless) Brigade, siya ay nagpapasalamat sa tiwala ni Mr. Pabro sa kasundaluhan ng RCSP Team ng 14th Infantry Battalion at sa agarang aksyon ng Barangay Task Force ELCAC ng Brgy Maligaya, Mahaplag, Leyte na naging daan sa magandang ugnayan at pagtulungan ng kasundaluhan, Local Government Unit at kapulisan. Nananawagan si Brigadier General Oliveros sa mga taong may kahalintulad ni Mr. Pabro na may pananagutan sa batas na gayahin ang kanyang ginawang pagsuko upang harapin ang makatarungang paglilitis sa ilalim ng makataong hukuman ng Repulika ng Pilipinas.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/most-wanted-sa-probinsya-ng-biliran-boluntaryong-sumuko-sa-rcsp-team/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.