Wednesday, June 23, 2021

Kalinaw News: Halos buong Iskwad ng NPA at dalawang Miyembro ng Milisyang Bayan (MB) na may dalang Matataas na Uri ng Armas Sumuko sa Surigao Del Norte

From Kalinaw News (Jun 21, 2021): Halos buong Iskwad ng NPA at dalawang Miyembro ng Milisyang Bayan (MB) na may dalang Matataas na Uri ng Armas Sumuko sa Surigao Del Norte



Gigaquit, Surigao del Norte – Pagod, gutom at pagnanais na makasamang muli ang pamilya. Ito ang naging dahilan ng pitong (7) miyembro ng New People’s o NPA at Milisyang Bayan upang tuluyan nang iwan at talikuran ang kilusan at magbalik-loob sa pamahalaan nitong Hunyo 19, 2021 sa Himpilan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army.

Ang mga dating miyembro ng NPA ay kinilalang sina Alyas Jerson na isang Vice Squad Leader, Alyas Daylan, Political Guide, Alyas Gelai, Alyas JimJim, Alyas Robert, at dalawang MB na sina Alyas Remon at Alyas Bernie ng Guerilla Front16 C1 ng North Eastern Mindanao Regional Committee o GF16 C1, NEMRC.

Kasabay din ng kanilang pagsuko ay ang pagsisiwalat nila ng impormasyon patungkol sa pinagtataguan ng iba’t-ibang uri ng matataas na kalibre ng armas at mga pampasabog.

Sa ginawang follow-up operation ng 30IB at PNP Carasscal, natunton sa Sitio Tagbak ng Carasscal, Surigao del Sur ang dalawang (2) Ak-47 na nakalibing sa nasabing lugar. Dagdag pa dito, ang mga armas na sinuko nila ay (1) 40mm Grenade Launcher, (1) Cal. 30 M1 Garand Rifle, (1) 9mm Submachine Gun, (2) magazines ng AK47, (7) clips na may kasamang limangput tatlong (53) bala ng Cal. 30, isang (1) Anti-Personnel Mines o illegal na pampasabog at dalawamput walong (28) pulgada ng electrical wire para sa pampasabog.

Ang mga inihayag na paghihirap sa loob ng kilusan ang nag-udyok sa kanila para sumuko. Ito din and pangunahing dahilan kung bakit sa mahabang panahon ng pakikibaka ay pinili nilang sumuko at tanggapin ang tulong na ibinibigay ng gobyerno. “Maglisod na me nga makakuha sa among supply ug pagkaon kay mahadlok na ang masa nga muduol sa amo” Ug sa kadaghang napatay sa among mga kauban matag enkwentro sa mga sundalo, murag naghulat na lang pud me sa among kamatayon mao nga ningbaba na me aron makauban ang among pamilya” “Nahihirapan na kaming makakuha ng supply at pagkain dahil natatakot na ang mga masa na lumapit sa amin”. At sa dami ng namatay na kasamahan namin bawat enkwentro sa mga sundalo parang naghihintay na rin kami sa aming kamatayan kaya bumaba na kami para makasama namin ang aming pamilya” Pahayag ni alyas Jerson.

Ayon sa pahayag ni LtCol Ryan Charles G Callanta ang Battalion Commander ng 30IB, inihayag niya ang kanyang lubos na pasasalamat sa lahat ng tumulong sa matagumpay na operasyong ito, “Ang pagbabalik-loob nitong mga dating miyembro ng NPA ay bunga ng mapayapang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng kanilang pamilya upang maipaabot sa kanila ang tungkol sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP ng gobyerno na kung saan binibigyan ng pagkakataon ang bawat myembro ng NPA na magbagong buhay o mamuhay ng mapayapa. Kung kaya muli namin inaanyayahan ang mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan habang may pagkakataon pa.”

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang proseso ng kanilang ECLIP para sa pagsisimula ng kanilang pagbabagong buhay.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/halos-buong-iskwad-ng-npa-at-dalawang-miyembro-ng-milisyang-bayan-mb-na-may-dalang-matataas-na-uri-ng-armas-sumuko-sa-surigao-del-norte/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.