Monday, March 8, 2021

Tagalog News: Kalupitan at pang-aabuso ng NPA, pinatunayan ng mga residente ng Sto. Niño, Cagayan

From the Philippine Information Agency (Mar 8, 2021): Tagalog News: Kalupitan at pang-aabuso ng NPA, pinatunayan ng mga residente ng Sto. Niño, Cagayan (By 17th Infantry Battalion)

Featured Image

LAL-LO, Cagayan, Marso 6 (PIA)- - -Humigit-kumulang 400 na mga katao ang dumalo sa isinagawang peace rally sa barangay Abariongan Uneg, Sto. Niño, Cagayan upang maipakita at maiparating sa mga teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na hindi sila katanggap-tanggap sa kanilang barangay dahil sa kanilang mga kalupitan at pang aabuso.

Ang nasabing peace rally ay pagpapakita ng tuluyan nang pagtalikod ng mga residente sa nasbaing barangay sa mga teroristang CPP-NPA. Sa kanilang pagmamartsa, binabggit ng mga ito na hindi nila mararanasan ang pag-unlad na kanilang inaasam kung hindi nila puputulin ang kanilang ugnayan sa teroristang CPP-NPA.

Pinangunahan naman ni Brgy. Captain Erwin Oli ang panunumpa sa katapatan ng Pilipinas na kung saan, naging manipestasyon ito ng kanilang tuluyang pagputol ng ugnayan sa teroristang CPP-NPA at mga organisasyong konektado rito.

Hinimok ni Oli ang kanyang mga nasasakupan na suportahan ang mga inilalatag na programa at mga proyekto ng pamahalaan dahil ito ay para sa ikabubuti ng lahat.

“Susi sa ating hinahangad na progreso ang pagtatakwil natin sa mga NPA na walang dinala sa ating barangay kundi hinanakit at paghihirap. Isang napakalaking oportunidad na araw na ito upang maiparating sa teroristang NPA na wala silang puwang sa ating barangay," ayon kay Oli.

Dagdag ni Oli na nais nila ng positibong pagbabago at panahon na upang itakwil ang mga NPA.

"Nariyan ang ating kasundaluhan, kapulisan, at mga ahensya ng pamahalaan na tutulong sa atin upang mapaunlad ang ating barangay! Sama-sama tayo sa kapayapaan at kaunlaran ng ating mahal na barangay,” sinabi pa ni Oli.

Inihayag naman ni Lt. Col. Angelo C Saguiguit, commanding officer ng 17th Infantry Battalion ang kanyang kagalakan sa tapang na ipinamalas ng mga residente upang itakwil ang rebeldeng CPP-NPA.

“Tapusin na natin ang 52 na taong pagpapahirap ng mga rebeldeng CPP-NPA sa inyong lugar! Sa tulong ninyo, positibo nating nakikita ang magandang kinabukasan na walang mga teroristang CPP-NPA. Ang inyong pagsuporta sa ating mga programa ang siyang dahilan kung bakit nakakapasok na sainyong barangay ang mga proyekto ng ating pamahalaan,” ani Saguiguit.

Samantala, bukod naman sa peace rally, sinunog din ng mga residente ang bandila ng teroristang CPP-NPA-NDF na sumisimbolo rin ng kanilang pagtalikod sa armadong grupo. (MDCT/PIA-2)

https://pia.gov.ph/news/articles/1068854

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.