From Kalinaw News (Feb 10, 2021): Mga gamit pandigma narekober sa Sto Niño, Cagayan
BANGAG, Lal-lo – Sa pakikipagtulungan ng mga residente sa tropa ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army, narekober ang iba’t-ibang mga gamit pandigma ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army sa Sitio Narudducan, Abariongan Uneg, Sto Niño, Cagayan kahapon ika-9 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Narekober ng kasundaluhan ang dalawang improvised explosive devices (anti-tank), at mga magazine ng mga dekalibreng baril na M16 at M14 rifle.
Bago ito, nagsasagawa ng focused military operations ang 17IB sa nasabing lugar nang lapitan sila ng mga residente at ipinagbigay alam ang kinalalagyan ng mga nasabing kagamitan. Ayon sa mga residente malaki ang kanilang tiwala sa kasundaluhan kaya ibinahagi nila ang naturang impormasyon. Anila, hangad nila na mapadali ang pagsugpo sa insurhensiya upang mapadali ang progreso sa kanilang lugar.
Laking pasasalamat ni Lieutenant Colonel Angelo C. Saguiguit, Commanding Officer ng 17IB sa pakikipagtulungan ng mga residente upang marekober ang mga nasabing kagamitan. “Malaking tulong ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng mga residente sa hanay ng kasundaluhan upang mapagtagumpayan na mapasakamay natin ang katahimikan at kaayusan sa inyong mga lugar. Sa pamamagitan nito, makatitiyak ako na sama-sama nating matatapos ang insurhensiya.”.
Nanawagan siya sa mga natitirang kasama o mga sumusuporta sa mga teroristang NPA na magbalik-loob na sa pamahalaan. May mga programa ng gobyerno na naghihintay sa inyong pagbabagong buhay ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at ang Cagayan Employment Assistance Program (CEAP) ng lalawigan ng Cagayan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/mga-gamit-pandigma-narekober-sa-sto-nino-cagayan/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.