Monday, February 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Pag­pu­pur­si­ge ng BHB sa ha­rap ng pag­ha­ha­ring te­ror ng AFP sa Sout­hern Ta­ga­log

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2021): Pag­pu­pur­si­ge ng BHB sa ha­rap ng pag­ha­ha­ring te­ror ng AFP sa Sout­hern Ta­ga­log



Tu­luy-tu­loy ang pag­ha­ha­sik ng te­ror ng 2nd ID sa Sout­hern Ta­ga­log (ST) pag­pa­sok ng 2021. Hin­di ba­ba­ba sa 25 ba­yan sa li­mang pru­bin­sya ang sak­law nga­yon ng mga na­ka­po­kus na ope­ra­syong mi­li­tar at mga ope­ra­syong Re­too­led Com­mu­nity Sup­port Prog­ram (RCSP). Isa ang ST sa wa­long re­hi­yong pra­yo­ri­dad ng re­hi­men sa kontra-in­sur­hen­syang ge­ra nito.

Ini­lu­lun­sad ang mga kam­pan­yang militar sa pa­mu­mu­no ni Gen. Anto­nio Par­la­de, Jr., na­ngu­ngu­nang an­ti-ko­mu­nis­tang troll at he­pe ng Sout­hern Luzon Com­mand ng Armed Forces of the Phi­lip­pi­nes. Ito ay sa git­na ng pananalasa ng pan­dem­ya at mga bag­yo na humambalos sa rehiyon noong huling kwarto ng taon.

Sa Min­do­ro, li­mang ba­yan sa ti­mog na ba­ha­gi ng Occi­den­tal at li­ma sa Ori­en­tal ang hi­na­ha­li­haw ng 203rd IBde mu­la pa noong 2019. Sa mga lu­gar na ito maig­ting na ni­la­la­ba­nan ng mga mag­sa­sa­ka at ka­tu­tu­bo ang ma­pa­min­sa­lang mga pro­yek­tong mi­na, dam at pe­keng prog­ra­mang pang­ka­li­ka­san na si­si­ra sa ka­pa­li­gi­ran at mag­pa­pa­la­yas sa ka­ni­la.

Ga­mit ng 203rd IBde ang pa­ni­nin­dak sa tang­kang pa­hi­na­in ang pag­la­ban ng ma­ma­ma­yan sa lu­gar. Noong Ene­ro, nag­dag­dag ang bri­ga­da ng da­la­wang kan­yon na 105mm sa Ban­sud, Ori­en­tal Min­do­ro. Nag­ha­tid din ng ta­kot sa mga re­si­den­te ang pag­pa­pa­li­pad ng he­li­kop­ter sa mga ba­yan ng Rizal, San Jo­se, Bo­nga­bong at Man­sa­lay noong bis­pe­ras ng pas­ko. Lu­ma­pag ito sa Man­tay, Ba­ra­ngay Mon­te Cla­ro, San Jo­se kung saan na­ka­kam­po ang pwer­sa ng RCSP.

Anim na ba­yan na­man sa Quezon ang inoo­pe­ra­syon ng may 1,900 tro­pa ng 201st IBde, ka­bi­lang ang mga tro­pa ng 1st IB, 59th IB, 80th IB, 85th IB, 22nd DRC at mga pu­lis. Ma­la­king ka­sa­la­nan ng mga tro­pang ito ang dag­dag na pag­ha­gu­pit sa mga ko­mu­ni­dad sa pa­na­hong ka­ta­ta­pos pa la­mang ma­na­la­sa ng su­nud-su­nod na bag­yo. Pi­ni­gi­lan ng mga ito na ma­ka­ra­ting ang ayu­da mu­la sa BHB.

Nag­ta­yo na­man ng ba­gong mga kam­po ang 80th IB sa Ba­ra­ngay Pu­ray, Rod­ri­guez, Rizal ha­bang nag­pa­pa­tu­loy ang mga operasyong kombat at RCSP sa Anti­po­lo, Rod­ri­guez at Ta­nay. Sa lib­lib na mga bar­yong oku­pa­do ng mga RCSP, hi­na­ha­rang ng mga sun­da­lo ang pag­pa­sok ng pag­ka­in at iba pang pa­nga­ngai­la­ngan ng mga re­si­den­te.

Sa Pa­la­wan, wa­lang-ti­gil ang FMO at kam­pan­yang pag­pa­pa­su­ko ng 3rd Ma­ri­ne Bri­ga­de. Inaa­ta­ke ng di ku­ku­la­ngin sa 600 ele­men­to ng Ma­ri­nes ang Roxas, Tay­tay, Broo­ke’s Point, Rizal, Ba­ta­raza at Puer­to Prince­sa City. Ni­li­lin­lang ni­la ng mga pa­bu­ya ang si­nu­mang nag­na­na­is “mag­ba­lik-lo­ob at ma­ki­pag­tu­lu­ngan” sa AFP la­ban sa BHB at sa­ri­li ni­lang mga ka­ba­ba­yan.

Ka­bi­lang sa ka­ru­mal-du­mal na mga kri­men ng 2nd ID na la­bag sa mga ba­tas ng dig­ma ay ang pag­pa­tay ki­na Eu­ge­nia Mag­pan­tay at Aga­ton To­pacio, ang ma­sa­ker sa Ba­ras 5, pag­pas­lang sa li­der mag­sa­sa­kang si Arman­do Bui­san, at sa wala nang kakayahang lumaban na si Ma­rio Ca­ra­ig.

Sa ka­bi­la ng to­dong ata­ke sa re­hi­yon, na­ka­buo ang huk­bong ba­yan di­to ng mga ba­gong la­ra­ngang ge­ril­ya at na­ba­wi ang ilang lu­mang mga er­ya. Isi­na­ga­wa ang ki­na­kai­la­ngang mga reor­ga­ni­sa­syon sa la­ra­ngang ge­ril­ya upang mag­ka­ro­on ng mas ma­la­pad na ma­ni­ob­ra­han ha­bang hi­na­ha­rap at pi­na­ngi­ngi­ba­ba­wan ang ma­la­wa­kang mga ope­ra­syong kom­bat at pam­bo­bom­ba ng AFP.

Ayon kay Arman­do Cienfue­go, ta­ga­pag­sa­li­ta ng BHB sa re­hi­yon, ito ay da­hil “ma­li­naw sa ma­ma­ma­yang Pi­li­pi­no kung si­no ang to­to­ong te­ro­ris­ta sa ban­sa—ang re­hi­meng US-Du­ter­te at ang AFP-PNP na wa­lang pi­ni­pi­ling oka­syon pa­ra ma­ka­pag­ha­sik ng la­gim at te­ror sa ba­yan.”

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/02/07/pagpupursige-ng-bhb-sa-harap-ng-paghaharing-teror-ng-afp-sa-southern-tagalog/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.