Monday, February 8, 2021

CPP/Ang Bayan: Mga manggagawa ng Magnolia, nagpiket

Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Feb 7, 2021): Mga manggagawa ng Magnolia, nagpiket



Nagpiket ang mga manggagawa ng Magnolia sa harap ng kanilang pabrika sa General Trias, Cavite noong Enero 28 para ipanawagan ang dagdag na sahod at mas makataong mga kundisyon sa paggawa sa gitna ng pandemya.

Panawagan din nilang kilalanin ang collective bargaining agreement sa pagitan ng maneydsment at kanilang unyon. Laman nito ang pagbibigay ng kumpanya ng mga benepisyo, backpay para sa tatlong taon at bonus ng mga manggagawa. Ang Magnolia, isang kumpanya ng San Miguel Corporation, ay nagmamanupaktura ng mga produktong gatas (butter, cheese, at ice cream).

Sa Mandaue City, naglunsad ng 3-araw na silent protest ang mga manggagawa ng Coca-cola noong Pebrero 3 upang igiit sa maneydsment ang pag-regularisa sa may 86 na manggagawa nito.

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

https://cpp.ph/2021/02/07/mga-manggagawa-ng-magnolia-nagpiket/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.