Posted to Kalinaw News (Jan 18, 2021): Unli Shopping, ibinahagi sa mga dating rebelde sa Davao Occidental
Malita, Davao Occidental – Binigyan ng pagkakataon ang 23 na mga dating rebelde na sumuko sa kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion na mamili ng kanilang gamit ng walang limitasyon nitong ika-17 ng Enero 2020.
Kamakailan noong 31 Disyembre 2020, nabalitaang nagbahagi ang Team Bautista at ang mga kasundaluhan ng mga prutas sa mga mamamayan ng Poblacion ng nasabing bayan.
Sa ngayon, binigyang naman ng Team Bautista ang mga rebeldeng nagbalik-loob ng pagkakataon upang maramdaman nila ang mainit na pagtanggap sa kanila ng gobyerno sa simpleng tanghalian na inihanda at oportunidad na mabili ang kanilang pangangailangan ng hindi iniisip ang gagastusin.
“Mga rebelde sila kaniadto apan kauban pa sila sa mga tawo sa probinsya sa Davao Occidental. Sa ato pa, sila mga tawo sa gobyerno nga kinahanglan nga dawaton ug sagupon sa bug-os nga kasingkasing,” madamdaming sabi ni Cong. Bautista-Bandigan. (Rebelde sila noon ngunit kabilang parin sila sa mamamayan ng probinsya ng Davao Occidental. Sa madaling salita, tao sila ng gobyerno na kailangang tanggapin at yakapin ng buo)
Namili ang mga dating rebelde ng pantalon, t-shirt, sapatos, bag, bisikleta para sa kanilang anak at kung ano-ano pang kagamitan na magagamit nila sa pang araw-araw nilang aktibidades.
Nabanggit naman ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez ang kanyang pasasalamat sa Team Bautista sa walang sawang pagtulong na ibinahagi nila sa mga dating rebelde. “Unang beses lamang nangyari sa kasaysayan ng 73rd IB ang ganitong pagkakataon. Bakas ang kasiyahan at kapanatagan sa mukha ng ating mga kapatid,” kanyang sabi.
Ang 73IB kasama ang mga ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagtanggap ng mga terroristang NPA na nais mag balik loob sa ating gobyerno. Sa kasalukuyan mayroong kabuuang 89 na mga dating rebelde ang sumuko sa yunit.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/unli-shopping-ibinahagi-sa-mga-dating-rebelde-sa-davao-occidental/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.