From the Philippine Information Agency (Dec 15, 2020): Tagalog News: CTGs, hinikayat magbalik-loob sa pamahalaan matapos ang engkwentro sa Rizal (By Voltaire N. Dequina)
Bukod sa napaslang na apat na miembro ng CTG, narekober din sa pinangyarihan ang walong matataas na kalibre ng baril at mga subersibong dokumento. (203rd IB, 2ID, PA)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Dis 15 (PIA) -- Muling nanawagan si LTC Alexander Arbolado, Battalion Commander (Bn Comdr) ng 4th IB, 2ID, Philippine Army (PA), sa mga miembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na magbalik-loob na sa pamahalaan, matapos ang engkwentro sa Barangay Aguas, Rizal na ikinasawi ng apat na kasapi ng rebeldeng grupo.
Ayon kay Ltc. Arbolado, dakong alas 6:00 ng umaga kahapon, ika- 14 ng Disyembre, nang makatanggap sila ng impormasyon mula sa mga concerned citizen kaugnay sa presensya ng ilang armadong grupo sa Sitio Surong ng nabanggit na Barangay. Agad aniyang nagtungo sa itinurong lokasyon ang tropa ng pamahalaan at nangyari na nga ang sagupaan na tumagal ng kalahating oras.
Bukod sa napaslang na apat na miembro ng CTG, narekober din sa pinangyarihan ang walong matataas na kalibre ng baril at mga subersibong dokumento. “May mga nakatakas at hinabol sila ng ating tropa,” kwento pa ni Arbolado, na ang iba aniya ay pinaniniwalaang nasugatan sa engkuwentro.
“Hindi tayo titigil hanggat hindi natin tuluyang nakakamit ang kapayapaan,” pagtiyak ni Arbolado. Nagpahayag pa ang opisyal ng labis na panghihinayang sa mga nabuwis na buhay sa panig ng CTG na sana ay naiwasan kung pinili ng mga ito na sumuko na lamang sa pamahalaan. “Lagi kaming bukas sa mga may sinserong hangarin na magbalik-loob. Pwede silang magpatulong sa mga taong mapagkakatiwalaan nila o kaya’y lumapit sa ating kapulisan, Gobernador o sinumang opisyal,” saad pa ng 4th IB Bn Comdr.
Samantala, habang patuloy ang panawagan para sa pagsuko ng mga miembro ng CTG, mas pinaigting pa ng pamahalaan ang paghahatid ng mga programa nito sa mga pamayanan na target ng recruitment ng makakaliwang grupo. Ilang araw bago ang enkwentrong ito sa Brgy Aguas, Rizal ay bumisita ang Provincial at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-MTF-ELCAC) sa Brgy Manoot sa nabanggit ding munisipalidad at nagsagawa ng Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay. (VND/PIAMIMAROPA)

https://pia.gov.ph/news/articles/1061751
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.