Tuesday, November 3, 2020

Tagalog News: 6ID, GMA Kapuso Foundation namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng baha sa Maguindanao

From the Philippine Information Agency (Nov 3, 2020): Tagalog News: 6ID, GMA Kapuso Foundation namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng baha sa Maguindanao (By PIA Cotabato City)

LUNGSOD NG COTABATO, Nob. 3 (PIA)--- Namahagi kamakailan ng relief packs ang 6th Infantry (Kampilan) Division sa mga pamilyang naapektuhan ng baha sa mga barangay ng Reina Regente at Damabalas sa Datu Piang, Maguindanao.

Katuwang ang GMA Kapuso Foundation, ang pamamahagi ng tulong sa 600 benepisyaryong pamilya na naapektuhan ng kalamidad bunsod ng bagyong tumama sa bansa ay bahagi din ng pagdiriwang ng ika-33 taong pagkakatatag ng 6th ID.

Partikular na nanguna sa distribusyon ang mga kawani ng 57th Infantry Battalion at 6th Civil Military Operations Battalion (6CMOBn).

Samantala, nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat sa GMA Kapuso Foundation si Major General Juvymax Uy, commander ng 6th ID at Joint Task Force Central sa pagmalasakit nito sa mga nangangailangan. Pinasalamatan din ni Uy ang mga sundalo ng 57th IB at 6CMOBn sa pagtulong.

Siniguro naman ng opisyal na nakahanda ang 6ID, kasama ang iba’t-ibang opisina ng pamahalaan at mga pribadong tanggapan, na tumulong sa mga nangangailangang pamilya. (With reports from DPAO-6ID)

https://pia.gov.ph/news/articles/1057885

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.