Wednesday, October 7, 2020

Tagalog News: Halfway house para sa mga former rebels sa probinsya ng Agusan del Norte, pinasiyanaan

From the Philippine Information Agency (Oct 7, 2020): Tagalog News: Halfway house para sa mga former rebels sa probinsya ng Agusan del Norte, pinasiyanaan  (By Nora C. Lanuza)

LUNGSOD NG BUTUAN, Oktubre 7 (PIA) -- Upang mas mapadali ang pagbalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga former rebels sa probinsya ng Agusan del Norte, binigyang importansya ng probinsya ang konstruksyon ng halfway house ng probinsya bilang temporaryong tahanan ng mga former rebels sa pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang halfway house ay may 16 na silid at pwedeng makapag-accommodate ng hanggang 50 former rebels kung saan sila ay magkakaroon din ng debriefing at treatment.

Ang nasabing pasilidad ay binigyang prayoridad ng probinsya sa pangunguna ni Gobernador Dale B. Corvera at Second District Representative Maria Angelica Rosedell M. Amante-Matba sa pamamagitan ng pag-allocate ng pondo upang maipatayo ito.

Siniguro din ni Gob. Corvera na tututukan ng probinsya ang maayos na operasyon ng halfway house sa tulong na din ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maging mas madali sa mga former rebels ang pag-re-integrate sa kani-kanilang mga pamayanan.

Dagdag din ni Silver Joy Tejano, ang PSWDO chief na malaki ang maitutulong ng halfway house sa mga former rebels dahil sa loob ng dalawa hanggang anim na buwan dito sila magkakaroon ng psychological debriefing, treatment at pati na rin ang kahandaan nila at pagkakaroon ng mga kaalaman bago ang kanilang reintegration.

Umabot sa P10 milyon ang konstruksyon ng nasabing haflway house na matatagpuan sa loob ng 402nd brigade headquarters. Ayon din kay BGen. Maurito Licudine, ang 402nd brigade commander, inaasahan nilang tataas ang bilang ng mga magsusurender na mga NPA terrorist dahil sa maayos na implementastyon ng E-CLIP sa probinsya. (NCLM/PIA Agusan del Norte)

https://pia.gov.ph/news/articles/1055256

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.