CAMP ELIAS ANGELES, Pili, Camarines Sur-Nakuha na ng pamilya ng communist NPA terrorist (CNT) na napaslang sa engkwentro sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur ang labi nito at naiuwi na rin sa kanilang tahanan sa bayan ng Calabanga.
Mismong ang 92nd Civil Military Operations Company na pinamumunuan ni Cpt. Bibot Rico at 83rd Infantry Battalion na nirepresenta ni 2Lt. Maricris Lovelove Ermita, Acting Civil Military Operations (CMO) Officer, ang sumama kay Myra Rose San Juan, anak ni Pedro San Juan Jr., para makuha ang labi ng kaniyang ama mula sa Mary Mar Funeral Service at maiuwi sa kanilang bahay.
Si San Juan ang myembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na nasawi sa engkwentro noong Agosto 15 sa Barangay Olas ng naturang bayan.
Ayon sa kaniyang anak na si Myra Rose, isang maayos na tao ang kaniyang ama, kung kaya hindi nila lubos maisip na mapapabilang ito sa teroristang grupo.
“Bakit nila iniwan basta-basta si Papa? Nakapanlulumo. ‘Yon ‘yong parte na nakakaramdam ako ng galit. Nakapanlulumo kasi po kasamahan nila ‘yon. Ang daming ginawa o naiambag ng aking ama sa sinasabi nilang samahan o kilusan tapos sa ganoong paraan lang, parang hayop nilang iniwan at inabandona ang aking ama,” ani Myra Rose.
Ayon kay MGEN HENRY A ROBINSON JR PA, pinuno ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB), kinukuha ng mga CTG members ang loob ng mga inosenteng sibilyan sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay kakampi ng masa ngunit sa mga labanan ay walang kaabog-abog nilang iniiwan ang kanilang mga kasamahang nasusugatan o namamatay.
Napag-alamang si San Juan ay dating empleyado ng LGU-Calabanga at naging Barangay Secretary din bago napasama sa CTG.
Sakaling hindi nalinlang ng mga komunistang terorista, nagamit pa sana ni San Juan ang kaniyang talino at abilidad upang makapagsilbi sa mga mamamayan at sa kaniyang pamilya.
Samantala, nagbigay naman ng tulong ang mga sundalo sa pamilya San Juan mula sa nalikom na halaga galing sa kanilang meal allowance.
Maliban sa tulong pinansyal ay nag-iwan din sila ng isang sakong bigas bilang ayuda at pakikiramay sa nangyari kay San Juan.
Ayon sa JTFB, ang sinapit ni San Juan ay isa na namang patunay sa kasamaan ng CTG na ang tanging pinahahalagahan ay ang kanilang maling ideolohiya habang binabalewala ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga kasamahan.
“Dahil sa pagsama ni San Juan sa CTG, napasama at nasayang ang kaniyang buhay. Ito ang bunga ng isinusulong na maling pananaw at doktrina ng teroristang grupong ito. Wala silang ibang alam gawin kundi manlinlang ng mga inosenteng sibilyan, manakot ng mga residente sa iba’t ibang komunidad, magsagawa ng extortion activities sa mga negosyante na pawang hadlang sa mga peace and development efforts ng gobyerno,” ani MGen. Robinson.
Kaugnay nito, muli namang nanawagan si MGen Robinson sa mga natitirang myembro ng CTG na sumuko at magbalik-loob na sa pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataong makapag-bagong buhay kasama ang kanilang pamilya sa tulong ng Enhanced Comprehensive Local Integration program (E-CLIP) at ng iba pang programa sa ilalim ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).
“Hindi lamang magandang kinabukasan ang ipinagkakait ng CTG sa mga myembro nito kundi maging ang karanasang magkakaroon ng masaya at buong pamilya. Saying no to this terrorist group is saying yes to a better future of your children and your family. Hangga’t hindi ninyo inaabandona ang teroristang grupong inyong kinabibilangan, marami pang mga anak ang mauulila at mga magulang na mawawalan ng anak. Let us stop this cycle. Let us work together to end this useless armed struggle,” dagdag pa ni MGen. Robinson.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/pamilya-ng-nasawing-new-peoples-army-member-sa-bakbakan-sa-camarines-sur-nakatanggap-ng-tulong-mula-sa-9th-infantry-division/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.