Thursday, August 13, 2020

Kalinaw News: 3rd Infantry Battalion Lumahok sa isinagawang Brigada Eskwela 2020

Posted to Kalinaw News (Aug 13, 2020): 3rd Infantry Battalion Lumahok sa isinagawang Brigada Eskwela 2020
Brgy Bantol, MDDC – Ang kasundaluhan ng Charlie coy sa ilalim ng 3IB, 7ID,PA, sa kooperasyon ng Department of Education (DepEd), mga Guro at kawani ng Bantol Elementary School sa pamumuno ni Ginoong Eduardo Tejano, School head, kasabay din ang Bantol National High school sa pangunguna ni Ginoong Patrick James Arsaga, Head Teacher, kasama ang mga magulang at mga estuyante ay aktibong sumuporta at nakilahok sa taonang pagsasagawa ng Brigada Eskwela noong ika 12 ng Agosto 2020.

Ang Brigada Eskwela 2020 ay may temang : “Pagpapanatili ng Bayanihan tungo sa kalidad na Edukasyon para sa Kabataan”. Ang layunin ng programang ito ay buhayin ang kaugalian nating mga Pilipino ang pagiging matulungin at ang Bayanihan. Layunin din nito na malinisan at maihanda ang ating mga paaralan bago mag simula ang pasukan ngayong buwan ng Agosto 2020. Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa na dulot ng Covid-19, importante pa rin ang pag linang ng ating mga kaalaman lalong lalo na ang mga kabataan na syang kayamanan ng ating bayan.

Sa ano mang programa na ikabubuti at ikauunlad ng mamayan ng Brgy Bantol, makakaasa kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang Team ROW, kasama na rin ang iba’t ibang ahensya ng ating gobyerno na nag susumikap na maipaabot sa inyong komunidad ang mga programa ng ating pamahalaan at sa pag harap na rin sa new normal sa gitna ng pandemya.







[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/3rd-inf-battalion-lumahok-sa-isinagawang-brigada-eskwela-2020/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.