Wednesday, August 26, 2020

CPP/News: Sityo sa Agusan, tinupok ng AFP, mga residente di pa rin nakakabalik

Propaganda news article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Aug 26, 2020): Sityo sa Agusan, tinupok ng AFP, mga residente di pa rin nakakabalik

NEWS STORIES
AUGUST 26, 2020



Mula Marso ay hindi pa rin nakababalik sa kanilang komunidad ang mga residente ng Barangay San Vicente, Esperanza, Agusan del Sur matapos sunugin ng mga sundalo at mga elemento ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang kanilang mga bahay.

Sinunog ng militar ang eskwelahan at 15 bahay sa Sityo Canada ng nasabing barangay noong Marso 18. Anim na residente naman ang dinukot at hanggang ngayo’y di pa rin inililitaw.

Ayon sa mga ulat na ipinaabot ng mga residente sa Bagong Hukbong Bayan (BHB), tinupok ng apoy ang buong komunidad.

Pinagpuputol din ng mga sundalo at pulis ang mga puno at bungang-kahoy upang makalapag ang kanilang helikopter.

Tanging mga basura ng mga sundalo at pulis ang naiwan, kabilang ang ilang uniporme, at panggamot sa sugatan.

Bago nito, napag-alamang may apat na sibilyan ang pinagbabril ng mga sundalo noong Marso 15. Ayon sa isa sa mga biktimang nakatakas sa pangyayari, napagkamalan umano sila ng mga sundalo bilang mga myembro ng BHB.

Noong Marso 17, isang mis-engkwentro naman ang naganap sa pagitan ng mga tropa ng AFP at PNP malapit sa baryo. Mahigit 10 ang kaswalti sa kanila sa naturang enkwentro.

https://cpp.ph/statements/sityo-sa-agusan-tinupok-ng-afp-mga-residente-di-pa-rin-nakakabalik/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.