LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hulyo 28 (PIA) -- Isang konsultasyon sa iba’t ibang people’s organization ang isinagawa sa pamamagitan ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster ng Surigao del Norte Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) - Surigao del Norte kasama ang iba pang government line agencies at pribadong sektor.
Ang nasabing konsultasyon ay idinaos sa barangay Sico-Sico, Gigaquit na dinaluhan ng mga opisyales at mga miyembro ng labing anim na aktibong people’s organizations ng barangay Lahi, Sico-Sico at barangay Camam-onan o LASICAM.
Dito ay tinalakay ang issues at concerns gayundin ang mga suhestiyon ng bawat people’s organization sa kanilang mga napiling mga proyekto na siya namang popondohan at tutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ayon kay TESDA-Surigao del Norte supervising TESD specialist Elena Cacho, isa sa mga napagkasunduan ng mga miyembro ng PRLEC ay ang pagtukoy sa mga proyekto at programa sa mga lugar na malalayo at may matinding problema ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at insurhensiya.
Samantala nagpasalamat naman si Carmen Peruda, presidente ng Lawa-Lahi Women’s Association sa ibinigay na swine raising project na malaking tulong para mabigyan ng pagkakataon na umunlad at guminhawa ang pamumuhay ng kanilang mga miyembro.
Isinusulong ng PRLEC ang pagkakaroon ng resilient and sustainable communities sa tulong ng mga akmang programa upang tuluyang makamit ang kaunlaran at kapayapaan. (Susil D. Ragas/VLG/PIA-Surigao del Norte)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.