Wednesday, June 3, 2020

Kalinaw News: 3 klase ng baril na may mga bala mula sa teroristang NPA narekober sa Isabela

Posted to Kalinaw News (Jun 3, 2020): 3 klase ng baril na may mga bala mula sa teroristang NPA narekober sa Isabela (By 5th Infantry Division)



CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Sa patuloy na pagpapatupad ng EO #70 o Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) ng kasundaluhan ng 502nd Infantry Brigade, 5th Infantry (STAR) Division, Philippine Army sa kanilang nasasakupan ay nagresulta sa pagkarekober ng isang (1) M16A1 kalibre ng baril, isang (1) kalibre 45 Pistol at isang (1) 9mm pistol na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga miyembro ng Regional Sentro De Grabidad, Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (RSDG,KRCV) sa San Mariano, Isabela noong ika-28 ng Mayo 2020.

Ayon kay Brigadier General Laurence E Mina, Commander ng 502IBde ang pagkarekober ng mga nasabing mga baril at mga bala ay dahil sa tulong at kooperasyon ng mga sibilyan mula sa nasabing lugar sa ating mga kasundaluhan.

Pinuri naman ni MGen Pablo M Lorenzo AFP, Commander ng 5ID, ang kanyang kasundaluhan kabilang ang mga sibilyan sa pakikipagtulungan at pakikiisa nila na nagresulta sa matagumpay na operasyon upang tapusin ang insurhensiya sa Rehiyon ng Cagayan Valley.

Ipinapaabot din niya muli ang mensahe ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) noong ika-12 ng Mayo 2020 na may Php2, 000,000.00 pabuya sa sinumang makapagbigay impormasyon sa presensya at pagkadakip o neutralisa ng mga matataas ng pinuno ng Komunistang NPA, katulad ni EVANGELYN RAPANUT @Chat/Marsha (Secretary ng KR-CV) sa Rehiyon ng Cagayan Valley, at sina SIMON NAOGSAN SR @ Filiw (Secretary ng ICRC) kasama si JACINTO FARODEN @ Digbay na may patung sa ulo na Php5,200,000.00 na pawang gumagalaw sa Rehiyon ng Cordillera na binansagang utak ng mga naganap na terorismo sa buong rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera.

Maliban dito, pinapaabot din ni MGen Lorenzo ang kanyang mensahe sa mga kasapi ng komunistang grupo na magbalik-loob at huwag nang hayaang mawasak o masira ng maling idelolohiya ang kanilang buhay.

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/3-klase-ng-baril-na-may-mga-bala-mula-sa-teroristang-npa-narekober-sa-isabela/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.