SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
JUNE 09, 2020
Habang ginugunita ng reaksyunaryong gubyerno ang araw ng huwad na kalayaan, kasabay ng masang Bikolano ang buong rebolusyonaryong kilusan sa pagtataguyod ng mga demokratikong karapatan at paglaban para sa tunay na kasarinlan. Malinaw sa sambayanang walang tunay na kalayaan sa isang lipunang saklot ng pang-aapi at pagsasamantala.
Saksi ang sambayanang Pilipino kung paano sinakyan ng papet at pasistang rehimeng US-Duterte ang pandemyang COVID-19 upang higit na agresibong maitulak ang mala-Martial Law na panunupil. Bagamat mayroon nang mga gamot sa Covid-19, sadyang linilimitahan ang akses nito sa publiko. Sa halip, pinalalabas ng rehimeng US-Duterte na lockdown, pagkontrol sa sibilyang populasyon at paghaharing-militar ang tanging solusyon upang mapigilan ang paglaganap ng sakit. Tinatangka niyang gupuin ang kilusang masang humahadlang sa pagpapatupad niya ng mga kontra-mamamayang batas na idinikta ng kanyang imperyalistang amo.
Sa Kabikulan, sinamantala ng reaksyunaryong gubyerno ang kaguluhan sa COVID-19 upang ipatupad ang mga atakeng tulad ng Synchronized Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO). Una itong ginamit sa Negros matapos i-atas ng rehimeng US-Duterte sa ilalim ng MO 32, kung saan kabilang ang Bikol. Kinatatangian ang mga operasyong ito ng maramihang iligal na pang-aaresto, pagdakip at pamamaslang sa tabing ng mga pekeng engkwentro at pekeng arrest at search warrants. Noong Mayo 8, minasaker ng magkakumbinang pwersa ng 31st IBPA at 2nd PMFC ang limang magsasakang residente ng Brgy. Dolos, Bulan, Sorsogon. Tinaniman sila ng mga baril at pinalabas na mga kasapi ng NPA matapos ang pamamaslang.
Maituturing nga bang malaya ang mamamayan kung bala at dahas ang tugon sa kahirapan? Kung pinamamayani ang teror upang walang sagkang makapagpatupad ng mga patakarang gigisa sa masa sa sarili nilang mantika?
Nananawagan ang NDF-Bikol sa masang Bikolano na buong lakas na labanan ang mga atake ng rehimeng US-Duterte. Kailangang ubos-kayang pigilan ng malawak na kilusang masa ang ala-SEMPO na pananalasa ng militar at pulis sa mga komunidad kapwa sa kanayunan at kalunsuran. Dapat ding maging mapagmatyag at kagyat na hadlangan ang anumang hakbangin upang ilusot ang mga kontra-mamamayang batas at panukalang tulad ng mapanupil na Anti-Terrorism Act of 2019, Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) na ikatlong pakete ng pahirap na Comprehensive Tax Reform Package at mga pagluluwag sa probisyon ng Foreign Service Act at Public Service Act.
Sa kabila ng pagsikil ng estado sa mga demokratikong karapatan sa tabing ng paglaban sa COVID-19, dapat patuloy pa ring maging mapangahas at mapanlikha sa pagsasagawa ng mga kilos-protesta upang kundenahin at panagutin ang rehimeng US-Duterte sa patung-patong na krimen nito laban sa sambayanan. Puspusang organisahin ang pagngangalit at inisyatiba ng mamamayan. Sa pamamagitan nito, mapalalawak din ang rebolusyonaryong kilusang lihim upang epektibong malabanan at maprotektahan ang mamamayang lumalaban mula sa panganib na dala ng batas militar.
Higit sa lahat, hindi kailanman maaasahan ang kalayaan mula sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan. Kailangang patuloy na magpunyagi ang mamamayang Bikolano sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan, pangunahin sa pagpapalakas ng armadong pakikibaka. Makakamtan lamang ang tunay na kalayaan mula sa sinapupunan ng armadong paglaban ng sambayanan.
https://cpp.ph/statement/makibaka-at-lumaya-mula-sa-pasismo-at-pagsasamantala-ndf-bikol/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.