Nakulong ang walong former rebels sa District Jail, Alabel, Sarangani Province. Nagkaroon sila ng mga kaso na siyang resulta ng kanilang pagkakakulong. Ang walong former rebel ay nakalaya kahapon, May 6, 2020.
Sa kanilang paglaya ay tinulungan sila ng 73rd Infantry Battalion na harapin ang bagong buhay. Tutulungan din sila ni Hon Vic Paul M Salarda, Mayor ng Alabel, Sarangani Province. Sa katunayan, magkakaroon sila ng livelihood at trabaho bilang bantay kalikasan na siya namang suswelduhan ng nasabing munisipyo.
Laking pasasalamat naman ng mga former rebels na tinulungan sila ng mayor na magkaroon ng hanap-buhay. “Sa tatlong taon kong pagkakakulong ay hindi ko alam kung paano ako magbabagong buhay. Dati akong rebelde, idagdag mo pa ang pagkakakulong ko. Akala ko dito na matatapos ang lahat, pero nagkamali ako. Kaya naman malaki ang aking pasasalamat sa kasundaluhan, sa 73IB, at kay Mayor Salarda na nagbigay sa amin ng hanap buhay. Maraming maraming salamat!” emosyonal na sinabi ni @Danny, dating NPA
“Hindi lamang sila, lahat ng ating Former Rebels ay nagkaroon na ng magandang buhay. Dahil ito sa magandang kooperasyon ng LGUs, stakeholders at ibat ibang mga ahensya ng gobyerno. Sila ay binigyan ng pagkakataon na magbagong buhay at harapin ang mga pagsubok kasama ang gobyerno.” saad ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, Commander ng 73IB.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.