Saturday, April 11, 2020

CPP/NDF-Bicol: Rehimeng US-Duterte, naglalatag ng makinarya ng batas militar sa pinalawig na lockdown–NDF-Bikol

NDF-Bicol propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 10, 2020): Rehimeng US-Duterte, naglalatag ng makinarya ng batas militar sa pinalawig na lockdown–NDF-Bikol

MARIA ROJA BANUA
SPOKESPERSON
NDF-BICOL
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
APRIL 10, 2020




Dry run ang lockdown ni Duterte para sa pagpapatupad ng batas militar. Unti-unti nang nailulusot ng pasistang rehimen ang makinarya upang ipatupad ito. Pinamumunuan ng militar at pulis ang National Contingency Plan upang di umano’y lutasin ang krisis dulot ng pandemya. Kung mayroong mang ipinakitang kadalubhasaan ang mersenaryong hukbo ni Duterte nitong mga nagdaang taon, ito ay sa pagpapaiksi ng buhay ng mamamayan, hindi sa pagsasalba ng buhay.

Sinusunod ng itinayong Inter Agency Task Force ang Whole of Nation Approach (WoNA) ng EO 70, isang militaristang estratehiya. Higit pang titindi ang mga paglabag sa mga pinakabatayang karapatang tao sa karagdagang 15 araw ng lockdown. Sa tindi ng gutom at kahirapang nararanasan ngayon, higit na naitutulak ang mamamayang kumilos para sa kanilang sariling kagalingan.

Matingkad ang pangangailangang magkaisa ang mamamayan para ilantad ang makinarya ng rehimeng US-Duterte sa pagpapatupad ng batas militar. Hindi na lamang isyung pangkalusugan, kung hindi isyung pampulitika, ang hinaharap ng taumbayan. Hamon sa rebolusyonaryong kilusang ang sustenido’t masikhay na pamumuno sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagmomobilisa sa mamamayan. Ito ang magbubunsod ng daluyong ng kilusang masang bibigo at dudurog sa anumang hakbang ng pasistang rehimen sa pagliligalisa ng isang pasistang diktadura.

Nananawagan ang NDF-Bikol sa masang Bikolanong magpunyaging ipagtanggol ang mga tagumpay ng sama-samang pagkilos ng mamamayan– mula sa pagpanalo ng mga sektoral na pakikibaka hanggang sa pagpapabagsak ng diktadura. Patunay itong walang hihigit pang kagitingan sa pag-oorganisa at pakikibaka, at higit sa lahat, pagpapatuloy ng rebolusyong Pilipino para sa kagalingan at kapakanan ng nakararami.

Marigmat na hampangon ang pasistang diktadura!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!
Serbisyong medikal, hindi militar!

https://cpp.ph/statement/rehimeng-us-duterte-naglalatag-ng-makinarya-ng-batas-militar-sa-pinalawig-na-lockdown-ndf-bikol/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.