Friday, March 20, 2020

CPP/RC-ST: Alok na Tigil-Putukan ni Duterte sa Harap ng Krisis ng Covid-19

Region Committee-Southern Tagalog (RC-ST) propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 20, 2020): Alok na Tigil-Putukan ni Duterte sa Harap ng Krisis ng Covid-19

KOMITENG REHIYON
TIMOG KATAGALUGAN
COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES
MARCH 20, 2020

Sa harap ng krisis na iniluwal ng pandemic ng Covid-19 sa bansa, isa lamang ang maaaring gawin ng rehimeng Duterte upang bumaba ang antas ng mga sagupaan sa pagitan ng NPA at mersenaryong AFP at PNP. Kailangan lamang atasan ng rehimen ang AFP at PNP na iatras ang mga pwersa nito na nagsasagawa ng focus military operations sa mga larangang gerilya upang ituon ang pansin sa pagharap sa epidemya ng Covid-19.

Hindi kinakailangan ng isang pormal na ceasefire para matigil o mabawasan ang antas ng mga labanan. Ang agresibong pananalakay ng AFP at PNP na nagsasagawa ng mga operasyong kombat sa mga larangang gerilya ng NPA ang sanhi ng mga nagaganap na sagupaan. Ang NPA na nasa estratehikong depensiba ay obligadong magtanggol sa sarili at ipagtanggol ang masa laban sa pamiminsala ng mga pasistang tropa.

Kung seryoso ang rehimen na lutasin at pigilan ang paglawak ng impeksyon ng epidemya ng Covid-19, dapat nitong isuspinde ang mga focus military operation sa buong bansa para maituon ng lahat—kabilang ang armadong rebolusyonaryong kilusan at rebolusyonaryong base nito—ang nagkakaisang pagharap at paglaban sa epidemya.

Sa pangmatagalan, dapat seryosohin ng rehimeng Duterte ang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa NDFP upang lutasin ang mas pundamental na ugat sa armadong tunggalian sa bansa. Dapat nang magising ang rehimeng US-Duterte sa ilusyon na magtatagumpay ang mga pinakanang lokalisadong usapang pangkapayapaan at militaristang solusyon ng EO 70 at TF-ELCAC sampu ng mga pasistang batas na pinapakana ng Kongreso. ###



https://cpp.ph/statement/alok-na-tigil-putukan-ni-duterte-sa-harap-ng-krisis-ng-covid-19/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.