PATNUBAY DE GUIA
NDF-SOUTHERN TAGALOG
NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES
MARCH 20, 2020
Matapos umani ng kabi-kabilang batikos mula sa taumbayan dahil sa malubhang kapabayaan, pagiging inutil at makupad na pagtugon ng pasistang rehimeng US-Duterte na sansalain at kontrolin ang mabilis na paglawak sa bansa ng nakamamatay na Covid-19, bumaling naman ang gubyernong Duterte sa kamay-na-bakal, drastiko at dali-daling hakbang na ipailalim sa lockdown o sa pinagandang tawag na community quarantine ang buong Metro Manila. Sa nasabing hakbang, walang makakapasok at makalalabas sa Metro-Manila na mga sasakyang panlupa, panghimpapawid at pandagat mula Marso 15, 2020 hanggang Abril 14, 2020. Lilimitahan din ang paggalaw at aktibidad ng mga mamamayan sa loob ng Metro Manila.
Pangunahing maaapektuhan ng hakbang na ito ang mga mahihirap at ordinaryong mamamayan na umaasa sa arawang kita o trabaho sa mga pabrika, malalaking tindahan at kainan, malls, malalaking groserya at supermarkets. Ganundin ang mga kumikita mula sa pagtitinda sa mga palengke at bangketa, mga nasa konstruksyon, drivers at konduktor, mga odd jobbers at marami pang iba.
Habang kinakailangan ang mga drastikong solusyon para kontrolin ang mabilis na paglaganap ng nakahahawa at nakamamatay ng Covid-19, dapat itong gawin nang may syentipiko at medikal na pagsipat. Maaaring gawin bilang isa lamang sa kinakailangang opsyon ang “pahihiwalay” sa buo-buong populasyon at erya na nakakaranas na ng epidemya nang sa gayon pigilan, sawatain at kontrolin ang pagkalat ng epidemya sa iba pang mga karatig na lugar. Ngunit dapat na ipauna palagi ng gubyernong Duterte kung papaano poproteksyunan at tutugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng taumbayan tulad ng pagkain, suportang serbisyo, pambayad sa pagpapatingin sa doktor, suporta sa gastusing medikal sa mga nahawa at nagpositibo sa Covid-19 lalo sa populasyong nasasaklaw ng lockdown.
Dapat tiyakin ng gubyerno na libre ang Covid-19 testing para sa lahat ng populasyon upang maaagang madiskubre kung nagkaroon ng infection. Kung hindi ito libre, ang may kakayahan lang na magbayad ang magkakaroon ng akses sa Covid testing.
Sa Vietnam, bilang halimbawa, sinusubsidyuhan ng gubyerno ang pangangailangan sa pagkain at iba pang batayang pangangailangan ng mamamayan na hindi makapagtrabaho at ibinibigay nang libre ng gubyerno ang kinakailangang suportang medikal sa testing at mga nagkasakit/nahawahan ng Covid-19. May mga pasilidad din itinayo ang Vietnam para makaiwas sa Covid-19 tulad ng mga sterilezation at sanitization room sa mga mataong lugar para sa populasyon at manlalakbay.
Ang social distancing ay isang impraktikal na solusyon at hindi makapipigil sa paglaganap ng Covid-19 sa loob ng mga eryang ipapailalim sa lockdown dahil sa hindi nito inaalis ang pagkakaroon ng ugnayan at interaksyon ng mga tao.
Samantala, ginagamit ng rehimeng Duterte ang epidemya ng Covid-19 upang lumikha ng isterya sa mamamayan para maging katanggap-tanggap sa opinyong publiko ang presensya ng mga armadong militar at pulis sa mga ititayong checkpoint—isang dress rehearsal para sa isang di deklaradong batas militar.
Higit pa, sinasamantala ng rehimen ang isteryang nililikha ng Covid-19 sa mamamayan upang magpatupad ng pasistang mga solusyon tulad ng lockdown, community quarantine at social distancing. Pinalulutang ang pagpapatupad ng curfew at banta ng mga pag-aresto sa mamamayang susuway sa mga pasistang kautusang ito.
Sa halip na mga kwalipikadong medical personnel ang magbantay sa mga checkpoint na inaasistehan lamang ng mga militar at pulis para sa pagmonitor ng daloy ng trapiko at mga taong posibleng nahawa ng Covid-19, mabigat na presensya ng mga armaduhang militar, pulis at mga tanke ang nakahambalang sa mga checkpoint na walang medical protective gear laban sa virus.
Sa esensya, laban sa maralita at mga manggagawa ang pasistang solusyon ng rehimeng Duterte. Wala sa plano ng rehimen kung papaano tutugunan ang pangangailangan ng mga maralita at manggagawa na mawawalan at madidisloka ang kabuhayan dahil sa kautusang lockdown, community quarantine at flexible work scheme. Walang plano ang rehimen paano titiyakin ang akses sa serbisyong medikal at Covid-19 testing ng populasyon lalo sa mga komunidad ng mga manggagawa at maralita.
Sa kabilang banda, mga maliliit at katamtamang laking mga negosyo ang mas tatamaan ng pagsasara ng kautusang lockdown samantalang patuloy na papaboran ang malalaking negosyo ng iskemang flexible work day habang walang obligasyon na gastusan at maglaan ng pondo para sa proteksyon ng mga manggagawa na magkakasakit ng Covid-19.
Ang mga pasistang solusyon at kamay-na-bakal na patakaran na ipinatutupad ng rehimen sa tabing ng “kinakailangang hakbang sa pagsawata sa epidemya ng Covid-19” ay pagkukundisyon sa mamamayan para sa papalaking presensyang militar at pulis tungo sa lantad na paghaharing militar.
Mahigpit na kaisa ang National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (NDFP-ST) ng mamamayang Pilipino sa panawagan at paggigiit sa gubyernong Duterte na maglaan ng pondo bilang subsidyo sa pagkain, paglaban sa Covid-19 at sa iba pang batayang pangangailangan ng mga mahihirap nating mga kababayan na tuwiran at di tuwirang tatamaan ng lockdown sa Metro Manila. Dapat malaman ni Duterte, na sa panahon ng mga sakuna at kalamidad at sa ilalim ng State of Public Health Emergency na kanyang idineklara, ang kapakanan ng mga mahihirap, walang mga kakayanan at mga pinakabulnerableng sektor ng ating lipunan ang dapat unang binibigyan ng proteksyon at pagkalinga ng gubyerno.
Hindi lamang ang mga mamamayan sa Metro Manila ang tuwirang maapektuhan ng patakarang lockdown kundi maging mga kababayan natin na nasa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa kalakhang Maynila ang pangunahing bagsakan ng mga produktong agrikultural, isdang alat at tabang at iba pang aquatikong produkto na mula sa rehiyong Timog Katagalugan. Ano ang maitutulong ng gubyerno kapalit ng mawawalang kita ng mga byahero ng mga kalakal dahil sa nangyayaring lockdown sa Kamaynilaan?
Araw araw dumaraan sa kalakhang Maynila ang daang libong mga sasakyang panlupa na naghahatid sa milyong mga kababayan natin papuntang Hilaga mula sa Timog at ganundin pabalik. Maluwag ba silang makakaraan ng kalakhang Maynila nang walang malaking abala? Paano naman ang mga nasa milyong bilang na naninirahan sa rehiyong Timog Katagalugan na nagtatrabaho sa kalakhang Maynila? May aasahan ba silang tulong mula sa gubyerno sa mawawala o mababawas sa kanilang kita sakaling magpatupad ang kanilang mga pinapasukang kumpanya ng pagbawas sa araw ng pagtatrabaho, ng compressed working day o temporary shutdown? May gagawin bang hakbang ang gubyerno para ipag-utos sa mga pribadong kumpanya na bayaran pa rin nang buo ang buwanang sahod na natatanggap ng mga manggagawa kahit nabawasan ng oras o araw ang kanilang pagtatrabaho dahil sa umiiral na lockdown? Papanig ba ang gubyerno sa mga manggagawa sa paglaban sakaling gamitin ng mga kapitalista ang isyu ng lockdown sa kalakhang Maynila para tuwirang magbawas ng mga regular na manggagawa, di pagbabayad ng overtime, gamitin sa union busting at kaltasan ang mga benipisyong dapat tanggapin ng mga manggagawa?
Ito ang mga katanungan na dapat may malinaw at kongkretong tugon ang rehimeng Duterte.
Malaki ang posibilidad na lumawak ang saklaw ng lockdown sa kalakhang Maynila at umabot ito sa ilang probinsya sa rehiyong Timog Katagalugan na kagyat na kanugnog ng kalakhang Maynila. Mas malaki ang populasyon ng rehiyong Timog Katagalugan kumpara sa kalakhang Maynila at narito din sa rehiyon ang konsentrasyon ng malaking bilang ng populasyon ng mga manggagawa sa buong Pilipinas. Kailangang igiit at ipanawagan ng mamamayan ng rehiyon sa kani-kanilang lokal na pamahalaan ang agarang paglalaan ng pondo, bilang subsidyo sa mga maaapektuhan ng pagkalat ng Covid-19 at sa posibilidad na magpatupad ng lockdown sa ilang bahagi ng rehiyon. Dapat ngayon pa lamang ay mayroon nang mga nakahandang pondong pangsubsidyo, mga gamot, libreng testing kit, mga pasilidad at sapat na tauhan ang mga lokal na gubyerno para sa pagharap at paglaban sa Covid-19.
Samantala, nananawagan ang pamunuan ng NDFP-ST sa lahat ng kasaping organisasyon nito sa rehiyon na tumulong sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa nakamamatay na Covid-19. Gumawa ng mga nakasulat na gabay na magtuturo sa mamamayan ng rehiyon, lalo na ang walang akses sa dyaryo at telebisyon, kung paano makakaiwas na mahawaan ng virus. Turuan sila ng mga hakbangin upang maiwasang makahawa sa iba sakaling makaramdam ng mga sintomas at palatandaan ng Covid-19. At, turuan ang masa kung paano maagap at mabilis na maampat ang pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na virus.
Dapat na ilantad, kondenahin at labanan ang pakana ni Duterte na gamitin ang krisis ng Covid-19 para ipataw ang lantarang batas militar sa bansa. Desperado na si Duterte. Hindi malayong gawin ni Duterte ang lockdown ng kalakhang Maynila bilang ensayo sa bisperas ng pagpapataw ng lantarang pasistang paghahari sa buong bansa para maisulong ang kanyang mga pasistang adhikain.
Kailangang paghandaan, puspusang ilantad at labanan ang imbing pakana ng pasistang rehimeng US-Duterte na gamitin ang isyu ng Covid-19 bilang kober sa patraydor na pag-atake sa kilusang rebolusyonaryo, sa mga progresibong grupo, sa mga kritiko at lahat ng lumalaban sa kanyang tiwali at pasistang paghahari sa rehiyon. Maaring samantalahin ni Duterte ang sitwasyon kung saan nakatuon ang pansin ng publiko at mga mamamahayag sa Covid-19 para ilusot ang kanyang mga itim na balak ng maramihang pagpatay (extra judicial killings), mga iligal na pag-aresto at pagpapakulong batay sa mga inimbentong kaso at pagtatanim ng ebidensya at iba pang mga mararahas at mapanupil na hakbang upang pilayin at patahimikin ang mga pinaghihinalaan niyang kaaway ng estado.
Ang isyu ng Covid-19 at banta ng ektensyon ng lockdown hanggang sa ating rehiyon at iba pang panig ng bansa ay gagamitin ng pasistang estado laban sa rebolusyonaryong kilusan at mamamayan. Ililimita nito ang malayang pagkilos ng mga tao. Ipagbabawal ang mga pagtitipon at pagkilos ng taumbayan para iparating ang kanilang hinaing at protesta sa gubyerno. Lalong magpipista si Duterte at ang kanyanng korap at pasistang mga kapanalig sa patuloy na pangungurakot sa kaban ng bayan sa tabing ng paglaban sa Covid-19. Magpapatuloy ang impyunidad at paggawa ng mga karahasan ng AFP at PNP.
Subalit anuman ang balak gawin ni Duterte na durugin o papanghinain ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyong Timog Katagalugan at buong bansa, tiyak na makararanas muli sila ng mga kabiguan. Buong giting na lalabanan at bibiguin ng rebolusyonaryong kilusan at ng mamamayan ng rehiyon ang Joint Campaign Plan-Kapanatagan (JCP-Kapanatagan) at National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng pasistang rehimeng US-Duterte. Nasa CPP-NPA-NDFP at wala sa gubyernong Duterte ang malawak at malalim na suporta ng masa ng rehiyon at bansa. Sa katunayan, nakabunton lahat kay Duterte ang sisi at nagpupuyos ang galit ng mamamayan ng rehiyon dahil sa kainutilan at kapabayaan niya na matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.
Lalong nalantad at napatunayan ang pagiging bangkarote at inutil ng gubyernong Duterte sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan ng rehiyon sa harap ng mga kalamidad lalo mula nuong pumutok ang bulkang Taal hanggang sa kasalukuyan. Hindi humuhupa bagkus lalong nag-aalab ang galit at kagustuhan ng mamamayan ng rehiyon na patalsikin sa kapangyarihan ang pahirap, korap, traydor, inutil at mamamatay taong si Duterte. ###
https://cpp.ph/statement/pdg-hinggil-sa-patakarang-lockdown-ng-ncr/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.