SPOKESPERSON
NPA-SOUTHERN TAGALOG
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 20, 2020
Sinasaluduhan ng Melito Glor Command-NPA ST ang mga pwersa ng NPA-Palawan at Quezon sa matagumpay nilang kontra-atake laban sa AFP-PNP nitong Marso 14 at 15 na nagresulta sa pitong patay at maraming nasugatan sa hanay ng reaksyunaryong hukbo.
Imbes na makaiskor laban sa NPA at madiskaril ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Pulang hukbo, binigyan pa ng AFP-PNP ang NPA-ST ng dagdag na dahilan upang magbunyi. Ang mga labanan na naganap dalawang linggo bago ang ika-51 anibersaryo ng NPA ay patunay ng mataas na inisyatiba at kakayahan sa digmaan ng NPA—at nagpapasubali sa kasinungalingan ng kaaway na ‘humihina na ang NPA’.
Ipinapakita ng dalawang labanan ang determinasyon ng NPA-ST na biguin ang AFP-PNP sa lahat ng pagkakataon. Sa operasyong haras ng Bienvenido Vallever Command (BVC) NPA-Palawan noong Marso 14, nilapitan ng isang tim ng Pulang hukbo ang nag-ooperasyong tropa ng 18th Special Forces Company sa Barangay Iraan, Rizal. Pumutok ang 3-minutong labanan bandang ala-una ng hapon at limang kaaway ang napatay ng BVC at marami ang nasugatan. Ang haras ay opensibang aksyon laban sa 40 tropa ng 18th SFC na ilang araw nang naghahasik ng teror sa lugar.
Samantala, tagumpay ang aktibong depensa ng Apolonio Mendoza Command (AMC) NPA-Quezon noong Marso 15 sa Barangay San Vicente Kanluran, Catanauan bandang alas-dos ng madaling araw. Alerto ang bantay ng nakahimpil na tropa ng AMC kaya agad na naputukan ng NPA ang laking kumpanyang pwersa ng 85th IB na umatake sa kanila. Dalawa ang kumpirmadong patay at hindi mabilang ang sugatan sa 85th IB matapos ang 5-minutong putukan.
Matinding dagok sa moral ng mga palalong tropa ng AFP-PNP ang dalawang labanan kung saan sila ang naunang umatake ngunit sila rin ang malubhang napinsalaan. Muli, hinihimok ng MGC ang mga sundalo at pulis ng AFP-PNP na inaapi’t pinagsasamantalahan din sa ilalim ng malakolonyal at malapyudal na lipunan na talikdan na ang reaksyunaryong gubyerno at piliing maglingkod sa tulad nilang mahihirap. Isinasangkalan lamang ni Duterte at ng mga pasistang heneral ng AFP-PNP ang kanilang buhay sa mapanupil na gera nito laban sa mamamayan. Bukas ang NPA at rebolusyonaryong kilusan para sa kanila at sinumang nais mag-ambag sa pagtatagumpay ng rebolusyon.
Ang mga binigong atake ng AFP-PNP sa Palawan at Quezon nitong Marso ay bahagi ng pinatinding focused military operation (FMO) kontra sa NPA sa balangkas ng kontra-rebolusyonaryong gera na JCP Kapanatagan. Malaon nang itinakda ang kabiguan nito at ng pangarap ni Duterte na durugin ang rebolusyonaryong kilusan. Lalong inilalapit ng pasismo ni Duterte ang mamamayan sa landas ng rebolusyonaryong paglaban at armadong pakikibaka. Sa pagtuntong ng NPA sa ika-51 taon, tiyak na higt na lalawak, lalakas, at aani ang rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan ng mas mataginting na mga tagumpay para sa mamamayan.###
https://cpp.ph/statement/pulang-pagbati-sa-matatagumpay-na-kontra-atake-ng-npa-sa-palawan-at-quezon/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.