Thursday, March 5, 2020

CPP/NPA-Sorsogon: Mga ahente ng estado ang pumatay kay Felix Chico

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Mar 5, 2020): Mga ahente ng estado ang pumatay kay Felix Chico

SAMUEL GUERRERO
NPA-SORSOGON
CELSO MINGUEZ COMMAND
NEW PEOPLE'S ARMY
MARCH 05, 2020

DALAWANG motorsiklong labas-masok sa kampo ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng PNP sa Barangay Aquino, Bulan, Sorsogon ang gamit ng mga armadong lalaking pumaslang kay Felix Chico nitong Marso 3 sa Barangay Somagongsong ng naturan ding bayan. Ayon ito sa mga nakasaksi sa pangyayari.

Si Chico ay sakay noon ng kanyang motorsiklo pauwi sa Barangay Calpi bandang alas-6:00 pagkagaling sa munisipyo ng Bulan kung saan namamasukan siya bilang drayber ng ambulansya. Anang mga saksi, sinundan si Chico ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo, pinatigil bago dumating sa Barangay San Francisco, at saka pinagbabaril.

Gawi na ng mga tauhan ng 2nd PMFC ang pagpatay ng sinumang mapag-initang sibilyan tuwing may inilulunsad na armadong aksyon ang NPA. Matatandaang hinaras ng mga Pulang mandirigma ang kampo ng 2nd PMFC nitong Pebrero 16 kung saan nasugatan si Patrolman Eric Cabilao at pinarusahan naman ng kamatayan ang taksil sa rebolusyong si Antonio Benzon, Jr. sa bayan ng Casiguran nitong Pebrero 22.

Dating mandirigma ng NPA si Chico, kaya marahil siya pinag-interesan ng death squad ng PNP. Naulila niya ang kanyang asawa at anim na anak.

Mariin naming kinukundena ang pasistang krimeng ito laban sa isang sibilyan. Sa ganitong mga krimen lamang magaling ang mga duwag na ahente ng estado.

———
Visit NPA-Sorsogon’s website at https://npasorsogon.blogspot.com/
Follow them on Twitter: @cmcnpasorsogon

https://cpp.ph/statement/mga-ahente-ng-estado-ang-pumatay-kay-felix-chico/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.