CAMP MELCHOR F DELA CRUZ, Gamu, Isabela – Ang puspusang kampanya para tapusin ang Teroristang Komunistang NPA ng 502nd Infantry Brigade at 95th Infantry Battalion ay nakasagupa nila ang ilang miyembro ng armadong Teroristang Grupo na kinabibilangan ng pinagsanib na miyembro ng Central Front at Regional Sentro De – Grabidad (RSDG) ng Komiteng Rehiyong-Cagayan Valley (KR-CV) na dahilan ng agarang pagkamatay ng tatlong kasapi ng armadong NPA at pagkasagip din ng tatlo pa nilang kasamahan (NPA) sa tulong mismo ng ating nasagupang kasundaluhan malapit sa Brgy Rang-ayan, Ilagan City, Isabela noong ika-16 ng Pebrero 2020.
Ayon kay LTC Gladiuz C Calilan, Battalion Commander ng 95IB, ang nasabing engkwentro ay dahil sa pagsuplong ng mga mamamayan sa mga kasundaluhan na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa nasabing lugar na may mga armadong grupo na nagsasagawa ng pananakot at pangingikil kung kaya’t umaksyon agad ang kanilang tropa na nagresulta ng nasabing sagupaan.
Ayon pa kay LTC Calilan ay pilit nilang kinumbinsi ang mga teroristang grupo na sumuko nalang ngunit sila ay nagmatigas at lumaban na nagdulot sa pagkasawi ng tatlo nilang kasamahan at pagkarekober ng isang M16 Assault Rifle, tatlong Caliber 45 at mga bala.
Sa pakikipag-usap sa mga tatlong nailigtas na NPA sa bakbakan, at sa tulong ng mga naunang sumuko sa pamahalaan ng San Mariano, Isabela napag-alaman na ang dalawa sa nasawing NPA ay mga lider ng grupo bilang Squad Leader at Team Leader /Medical Officer na sina Aka Bobby at Aka Princes (lalaki). Habang isa sa mga naligtas na si Aka Jimboy ay isang Katutubong dumagat na menor de-edad sa taong disi-sais (16 y/o). Patunay nito ang patuloy sa paggamit ng teroristang CPP-NPA-NDF sa mga kabataan bilang “Child Warriors” at hindi pagkilala sa karapatang pantao. At ang dalawa pang sumuko ay kinilala sa hindi tunay nilang pangalan na si Aka Lesli at Aka Alvin na may katungkulan din bilang Supply Officer at Team Leader mula sa Central Front, Komiteng Rehiyong-Cagayan (CF, KR-CV).
Sa panayam din sa katutubong menor de edad siya ay lubos na nagagalak at nasisiyahan dahil nakamtan na niya ang tunay na kalayaan mula sa mapanlinlang na teroristang grupo. Sapagkat, matagal na niyang gustong tumakas dahil napag-alaman niya ang hirap na kanyang naranasan bilang utusan ng mga NPA lider sa pagganap ng kanilang kagustuhan.
Binigyang diin naman ni BGen Laurence E Mina AFP, Brigade Commander, 502nd Infantry (Liberator) Brigade, na mas lalo pa nilang paigtingin ang joint AFP-PNP Law Enforcement Operations at Focused Military Operations upang panagutin ang mga teroristang grupo sa mga krimen na kanilang nagawa.
Samantala, nagpasalamat naman si MGen Pablo M Lorenzo AFP, Commander, 5th Infantry (Star) Division, sa tulong at pakikiisa ng mamamayan sa mga kasundaluhan sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran. “Hindi hihinto ang kasundaluhan ng 5ID sa pagtugis sa mga teroristang NPA upang masiguro na ang bawat mamamayan ay makapamuhay ng malaya at payapa.”
“Hinihikayat namin ang mga natitirang teroristang grupo na nasa kabundukan na magbalik-loob sa tunay na gobyerno sapagkat may nakalaang programa at benepisyo na nag-aantay sa inyo upang makapagsimula ng isang tahimik at bagong buhay kasama ang inyong mga pamilya,” dagdag ni MGen Lorenzo.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City. Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.