Ang mga armas na isinuko ng mga rebeldeng nakatalaga sa bayan ng Sablayan. Ayon sa pamahalaan, may katumbas na halaga ang mga baril at balang isu-surrender ng mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan na maari nilang gamitin sa kanilang pagbabagong-buhay. (Lt Jun Sacares/CMO 76th IB)
SAN JOSE, Occidental Mindoro, Nob 19 (PIA) -- Dapat na ring magbalik-loob sa pamahalaan ang iba pang mga kasapi ng communist-terrorist groups (CTG), ayon kay Lt Jun Sacares, opisyal ng Civil-Military Operations (CMO) ng 76th Infantry Battalion (IB)-Philippine Army (PA), na nakabase sa lalawigan.
“Ito ang tamang panahon upang magbagong buhay,” saad ni Lt. Sacares. Aniya, higit na kumprehensibo ang programa ng pamahalaan ngayon para sa mga nagbabalik-loob upang makapagsimulang muli bilang mga karaniwang miyembro ng lipunan.
Inihalimbawa ng opisyal ang dalawang kasapi ng New People’s Army (NPA) na sumuko kamakailan sa Barangay Pagasa, Sablayan at ngayon ay isinailalim na sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Ayon kay Sacares, sa ilalim ng E-Clip ay makakatanggap ang mga benepisyaryo ng cash at livelihood assistance, gayundin ng iba pang mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng medikal at edukasyon.
“Noong ika-12 ng Nobyembre, sila mismo ang lumapit sa atin upang sumuko. Itinuro rin nila ang nakatagong dalawang M14 rifle na may kasamang mga magazine at bala sa Sityo Danao, Brgy Pagasa,” kwento ni Lt Sacares. Paliwanag ng opisyal, pangunahin din sa programa ng pamahalaan ang pagbibigay ng kaukulang halaga para sa mga baril na isinusuko ng maka-kaliwang grupo. “Ang halaga ng perang kapalit ng bawat isinukong armas ay depende sa kalidad at kalibre nito,” ayon pa rito.
Binigyang-diin ng opisyal na ang pagsuko ng mga aktibong kasapi, gayundin ng mga taga-suporta ng NPA, ay senyales na naniniwala ang mga ito na tapat ang hangarin ng pamahalaan sa pagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan.
Samantala, sinabi ni Sacares na magpapatuloy ang Retooled Community Support Program (RCSP) sa lalawigan upang mabigyan ng pansin ang mga conflict-affected communities.
“Aalamin natin kung ano ang mga problema sa kumunidad at idudulog natin sa mga tamang ahensya upang mabilis na matugunan,” saad pa ng opisyal. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.