Monday, November 4, 2019

Tagalog News: Mahigit 100 NPA, supporters sa Agusan Norte nagbalik loob sa gobyerno

From the Philippine Information Agency (Nov 4, 2019): Tagalog News: Mahigit 100 NPA, supporters sa Agusan Norte nagbalik loob sa gobyerno

LUNGSOD NG CABADBARAN, Agusan del Norte -- Dumarami na ang nagbabalik loob sa gobyerno at ngayon ay nakipagtulungan upang tuluyan para masugpo ang insurhensiya sa probinsya ng Agusan del Norte.

Sa isinagawang community immersion sa barangay Mahaba sa lungsod ng Cabadbaran, may 137 regular na miyembro ng New Peoples Army (NPA), militia ng bayan (MB) at underground mass organization (UGMO) members ang sumuko sa 29th Infantry Batallion, Philippine Army.

Kabilang sa mga sumuko ay si alias "Bem-Bem" na dating medic sa Guerilla Front Committee 21C (GFC 21C), na nanilbihan bilang isang medic sa loob ng 14 na taon.


Ayonn pa sa kanya, ang buhay niya sa bundok ay hindi naging madali kaya malaking tulong ang kanyang pagbabalik-loob sa gobyerno upang mamuhay nang tahimik at higit sa lahat ay makapagpatuloy na sa pag-aaral ang kanyang mga anak.

Ayon naman kay alias "Ondong," isang high ranking official at dating political infrastructure officer ng 21C, na nanilbihan ng sampung taon sa NPA, ang pagnanais niyang mamuhay ng mapayapa kasama ang pamilya, ang unang dahilan ng kanyang pagsuko.

Sa isinagawang community immersion, nanawagan din si Mayor Judy Amante ng Cabadbaran City sa mga NPAs na magbalik-loob na sa gobyerno. At bilang tagapangalaga sa lungsod, layunin niyang mapanatili ang kapayaapaan sa kanyang nasasakupan kung kaya’t mahalaga ang pagsagawa ng community immersion upang maipakita sa mga tao na tapat ang gobyerno sa kanila. (NCLM/MOA/PIA Agusan del Norte)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.