BUENAVISTA, Agusan del Norte -- Mahigit 600 improvised explosive devices o IEDs na narekober ng militar at pulisya sa rehiyon ng Caraga ang pinasabog ng 23rd Infantry Batallion, Philippine Army sa Buenavista, Agusan del Norte.
Kabilang sa mga pinasabog ay ang 105 IEDs, 10 claymore mines at 526 na nitro 1500 TNT na nakuha mula sa mga rebel-infested areas ng probinsya ng Surigao del Sur.
Ayon kay Ltc Joey Baybayan, commanding officer ng 3rd Special Forces Battalion, kinakailangan na pasabugin ang mga ito dahil delikado kung itatago ng matagal lalo na’t posible itong sumabog sa oras na maexpose sa init o mga kemikal.
Hinikayat din ni Ltc Francisco Molina, Jr., commanding officer ng 23IB, Philippine Army ang publiko na kung may makakitang mga pampasabog o mga kahinahinalang mga bagay sa kanilang lugar ay agad na ireport sa pinakamalapit na istasyon ng Philippine Army o pulisya para sa karampatang aksyon. (NCLM/PIA Agusan del Norte)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.