Monday, September 2, 2019

Kalinaw News: Ibat-ibang klase ng mga Libro Ipinamahagi ng mga Sundalo

Posted to Kalinaw News (Sep 2, 2019): Ibat-ibang klase ng mga Libro Ipinamahagi ng mga Sundalo







BULALACAO, Oriental Mindoro – Humigit walong daan (800) na ibat-ibang klase ng mga libro ipinamahagi ng ating mga kasundaluhan sa ginanap na ugnayan sa paaralan sa dalawang paaralan ng mga katutubo sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro kasabay nito sa pag-gunita ng buwan ng Wika na may temang “Wikang Katutubo Tungo sa Bansang Pilipino” noong nakaraang araw ng Biyernes ika-30 ng buwan ng Agusto 2019.

Ang Lisap Mangyan High School na pinamumunuan ni Mr Junjun Fabic, Principal I at Morente National High School na pinamumunuan ni Mr Edwin R De Guzman, Principal I, ang mga mapalad na binigyan ng mga nasabing mga libro. Kasunod nito ang pagtalakay ni 1st Lieutenant Silvestre O Tabios, pinuno ng Charlie Company ng 4IB, tungkol sa panghihikayat ng mga teroristang NPA sa hanay ng kabataan at nagbigay ng mga babasahin tungkol sa masamang gawain ng mga nasabing terorista. Tinalakay din ni Lieutenant Tabios kung paano pumasok sa hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga kabataan nais magsilbi at maglingkod sa bayan. Samantala, ang ating kapulisan ay tinalakay rin ang masamang epikto ng ipinagbabawal na druga at Anti-Bullying Act sa mga mag-aaral ng dalawang paaralan.

Ang mga nasabing mga Libro ay taos pusong ipinagkaloob ng Juniors Chamber International (JCI) San Juan Dambana sa tulong ng kasundaluhan ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion sa pangunguna ni LTC ALEXANDER M ARBOLADO katuwang ang Unilever Philippines, Tactical Operation Group (TOG) 4, Philippine National Police (PNP) Lokal na Pamahalaan ng Bongabong at ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng dalawang nasabing paaralan sa mga kumatawan ng JCI at sa mga ahensya ng pamahalaan na nagtulungan upang maibahagi ang mga ito sa mga kabataan na nangangailangan ng mga libro para lalong umangat ang antas ng edukasyon sa ating bansa lalo na sa mga katutubong mag-aaral. 

Pinapaabot ni Lieutenant Colonel Arbolado pinuno ng 4IB sa pamunuan ng JCI San Juan Dambana at Unilever Philippines ang pasasalamat sa pagtugon ng mga ito sa kahilingan ng mamamyan. Ayon pa kay sa kanya, ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang tungkulin na mag serbisyo sa mamamayan para makamit ang kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan.

Ayon naman kay Colonel Antonio R Lastimado bagong pinuno ng 203rd Infantry Brigade ang Bgry ng Lisap ay isa sa mga Convergence area kung saan pinagtutuunan ng pansin ng ating lokal na pamahalaan ng Bongabong at ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ng butihing Gobernador na si Hon Humerlito “Bonz” Dolor. Dagdag pa nito, na ang mga ganitong gawain ay napailalim sa diriktiba ng ating Pangulong Rodrigo R Duterte sa pagpapatupad ng Executive Order Nr 70 na kung saan pinapalakas nito ang Whole-of Government approach upang makamtan ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng sa ganun matuldukan na ang problema sa insurhensiya dulot ng mga teroristang CPP-NPA-NDF sa ating bansa.



Division Public Affairs Office 4th Infantry Division Philippine Army
Cpt Regie H Go
OIC DPAO 4ID
armydiamond@ymail.com

[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace by the Philippine Army. It provides information on the activities of Army Units nationwide in the performance of their duty of Serving the People and Securing the Land. This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.
Contact us: contact@kalinawnews.com]


https://www.kalinawnews.com/ibat-ibang-klase-ng-mga-libro-ipinamahagi-ng-mga-sundalo/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.