SPOKESPERSON
NPA-ABRA
NEW PEOPLE'S ARMY
SEPTEMBER 20, 2019
Nakikiisa ang Agustin Begnalen Command NPA-Abra sa paggunita sa ika-47 taong anibersaryo ng pagdedeklara ni Ferdinand Marcos ng Batas Militar sa buong bansa noong September 21,1972, para di umano para mapigilan ang lumalakas na Armadong Paglaban ng mamamayan. Ngunit ginamit nya ito para sa pansariling interes ng pamilya at kanyang mga cronies, sinikil at pilit na sinupil ng rehimen ang kalayaan ng sambayanang Pilipino sa kanilang pakikibaka para sa mga demokratikong karapatan. Dinanas ng sambayanan ang madilim na yugto ng kasaysayan sa ilalim ng pasistang diktadorang US-Marcos. Pinakawalan nito ang malupit na anti-Komunistang panunugis para patahimikin ang mga kritiko ng reaksyonaryong gobyerno, mga progresibo at makabayang institusyon at indibidwal. Naging target ng karahasan hindi lamang ang mga tinatatakang maka-kaliwang organisyon, kundi pati mga progresibong indibidwal, grupo at pampulitikang oposisyon.
Ibayong naging masahol ang pagsasampa ng mga inimbentong kaso at mga itinanim na ebidensya upang bulukin sa kulungan ang kanilang mga karibal sa pulitika at mga kritiko ng rehimen, higit na sumahol ang culture of impunity ng mga militar at pulis. Dumami ang mga pwersahang pagkawala, tortyur, pagpatay, pananakot at samo’t-saring paglabag sa karapatan-tao. Sa kasalukuyan 47 taon patuloy ang pagsigaw ng mga kaanak, indibidwal, mga progresibong grupo para sa hustisya at katarungan ng mga biktima sa panahon ng Martial Law ni Ferdinand Marcos.
Sa ngayon sa ilalim ni Rodrigo Duterte, mahigit 2 taon na ang Martial Law sa Mindanao, napakaraming paglabag sa karapatan-tao ang naiulat, di mabilang na pagbabakwit, pagpapasara sa mga paaralan ng mga Lumad, ginagamit rin ang mga Militar ng mga Multi-AgriKorporasyon para supilin ang pagwewelga ng mga manggagawa para sa nakakabuhay na sahod(Hal; ang SUMIFRU, DEL MONTE CORPS, DOLE PHILS) naitala rin ang mga extrajudicial killings (EJK), pagbabakwit, pananakot, paniniktik at pagbibilanggo sa mga probinsya ng Negros, Samar at Bicol, halos araw-araw rin ang pamamaslang sa Isla ng Negros. Nagmimistulang killing fields na ang buong bansa na tela bumabaha ng dugo sa dami ng kawalang katarungang pamamaslang. Sa Luzon at Visayas ay De facto Martial Law (Undeclared Martial Law) ang umiiral sa tabing ng Memorandum Order No.32, Executive Order No.70, Oplan Kapanatagan, Oplan Tokhang at Implementing Plan Kalasag sa NCR. Nakakaranas rin ng pambobomba, istraping at matinding militarisasyon ang mga nasa liblib na komunidad. May mga pekeng labanan rin na pinapakalat ang AFP-PNP para mabigyan ng daan ang mga operasyong militar, maramihan din ang kanilang sapilitang pagpapasurender sa mga sibilyan. Mula ng kenansela ang usapang pangkapayapaan noong November,2017 hanggang sa ideklarang terorista ang CPP-NPA, mas lalong tumindi ang pamamasista at teranikong pamamayagpag ng rehimen ni Duterte, gamit ang mga mapanupil na batas laban sa mamamayan, kasabwat ang AFP-PNP at DILG pwersahang pinapadeklara sa mga LGU na Persona Non Grata ang CPP-NPA-NDF. Ang panukalang muling buhayin naman ang kontra-mamamayan at kontra-demokratikong Anti-Subversion Law at tangkang militarisasyon sa mga pamantasan ay panibagong pakana ng kriminal at tiranikong rehimeng Duterte upang supilin at sikilin ang saligang demokratikong karapatan ng mamamayang Pilipino sa ngalan ng anti-Komunismo. Ang isa sa malinaw na batayan sa martial law ni Duterte ay isang huntang sibil-militar ang nagpapatakbo sa sibilyang burukrasya ng rehimeng US-Duterte, 65 na pusisyong sibilyan sa gubyerno ang hawak ng retiradong mga sundalo at pulis. Ang karamihan sa kanila ay nasa gabinete at namumuno sa mayor na mga ahensya. Halos buong bansa na rin ang deployment ng mga sundalo at pulis sa ngalan ng counter-insurgency na whole of nation approach. Nagdeklara na rin si Rodrigo Duterte nito lamang September, 2019 ng All Out War laban sa CPP-NPA, inatasan nya ang mga tutang AFP PNP na lipulin na raw ang New People’s Army. Ang mga disperadong isinasagawaid ni Duterte at ng AFP-PNP ay bigo at patuloy na bibiguin ng BHB sa pamamagitan ng mga taktikal na opensiba (TO) at tuloy-tuloy na pagpropaganda sa masa at pagpapaintindi sa kung anu ang tunay na kalagayan ng lipunan sa kasalukuyan.
Ang mga hakbang ng rehimen at ng naghaharing-uri sa pagpapatupad ng higit na mapanupil na mga batas ay hindi tatapos kundi magpapalagablab sa armadong paglaban ng mamamayan sa buong kapuluan. Itutulak nito ang sambayanan na tahakin ang landas ng rebolusyonaryong paglaban at ituturo bilang solusyon ang landas ng demokratikong rebolusyon ng bayan. Huwag na nating hayaang muling danasin ng sambayanang Pilipino ang paghahari ng kadilimang lumukob sa bansa sa panahon ng diktadurang Marcos, ang iniidolo ng pasista at tiranikong si Duterte. Samantala, mananatiling bukas ang larangan ng Agustin Begnalen Command – NPA-Abra sa lahat ng mga mamamayang naghahanap ng kanlungan mula sa kamay ng pasistang rehimen upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa panunugis ng pasista at tiranikong rehimeng US-Duterte.
Never Again to Martial Law!
Hustisya para sa mga biktima ng batas Militar ni Marcos!
Singilin si Duterte sa mga pamamaslang!
Yanigin ang rehimeng US-Duterte!
Kabataan at mamamayan sumapi sa NPA
https://cpp.ph/statement/47-taong-walang-katarungan-never-again-to-martial-law/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.