LUNGSOD NG BUTUAN - Matapos ang puspusang pagbuo ng action plans ng bawat cluster sa ilalim ng Regional Task Force To End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa lungsod ng Butuan, plinansta na ito at handa ng ipresenta sa gaganaping joint Regional Development Council (RDC) at Regional Peace And Order Council (RPOC) meeting sa Surigao City sa August 27.
Ayon kay regional director Lilibeth Famacion ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Caraga, nagtipon-tipon ang mga miyembro ng ibat-ibang clusters sa RTF-ELCAC ng rehiyon upang mas maging organisado ang kanilang mga plano sa paglaban sa insurhensiya sa Caraga.
Binigyang-diin ni Undersecretary Joann Burgos ng Office of Cabinet Secretary, na kinakailangang maintindihang mabuti ng bawat member-agencies sa task force ang kani-kanilang tungkulin at kontribusyon upang maisagawa ang nakasaad sa action plans ng mga ito at makamit ang intensyon na sugpuin ang insurgency sa rehiyon ng Caraga.
Dagdag pa niya, ang Caraga ay isa sa mga problemadong lugar pagdating sa peace and order sa bansa.
“Ang Caraga is isa sa mga lugar na patuloy pang tinutugunan ang problema sa insurgency. Tutulong din si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga clusters kasama ang iba pang sector sa rehiyon upang mas maging payapa at maunlad ang Caraga,” sabi ni Burgos.
Napapanahon naman para kay assistant regional director Roy Kantuna ng National Economic and Development (NEDA) Caraga ang pagbuo at pag-finalize ng action plans para sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 70 dahil magagamit ito sa pag-update ng Regional Development Plan kung saan tinututukan ang conflict affected areas ng rehiyon at potential investment programs para dito.
Matatandaan na ang EO No. 70 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong December 4, 2018 at mula noon ay puspusan na ang pagsagawa ng ibat-ibang stratehiya ng mga mga ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang problema ng insurgency sa bansa. (JPG/PIA-Caraga)
https://pia.gov.ph/news/articles/1026433

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.