Saturday, July 13, 2019

Tagalog News: Mahigit 1,000 nakinabang sa PNP outreach program sa Surigao Sur

Posted to the Philippine Information Agency (Jul 12, 2019): Tagalog News: Mahigit 1,000 nakinabang sa PNP outreach program sa Surigao Sur




LUNGSOD NG BUTUAN, Hulyo 12 (PIA) - Mahigit isang-libong indibidwal ang nakinabang sa community outreach program ng Philippine National Police (PNP) Caraga sa Barangay Javier, Barobo, Surigao del Sur.

Lubos naman na ikinatuwa ng mga residente ang libreng medikal and dental check-up. Maging ang libreng gupit, gamot, food packs, school supplies, tsinelas, at eyeglasses.

Ang nasabing aktibidad ng PNP ay kanilang 'Project Kasing-kasing' o ‘Project Heart.’ Ito ay flagship program ng Police Regional Office 13 na naglalayung matulungan ang mga residenteng nasa liblib na komunidad ng rehiyon.

Ayon kay PNP Caraga regional director Police Brigadier General Gilberto DC Cruz, layun din nito na mas palakasin pa ang magandang relasyon at patuloy na koordinasyon ng mga residente at PNP tungo sa epektibong pagsugpo ng problema sa insurhensiya.



Dagdag pa ng opisyal, isa ang Barangay Javier sa bayan ng Barobo sa mga lugar napabilang sa conflict-affected areas ng rehiyon, at nagdeklarang persona non-grata sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na siyang nagdudulot ng kaguluhan sa lugar.

Ayon kay Cruz, ilan-ilang violent incidents na rin ang naitala sa nasabing barangay at isa na riyan ang pagsunog umano ng mga npa sa container vans na may lamang export-quality bananas noong 2013.

Ang community outreach program ng PNP ay parte rin ng kanilang ginagawang hakbang upang maipalaganap pa ang implementasyon ng Executive Order 70 o 'whole of nation' approach sa pagsugpo ng insurgency. (JPG/PIA-Caraga)

https://pia.gov.ph/news/articles/1024451

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.